‘Crime against property’
MARAMI na sa mga taga-Maynila ang nasa probinsiya na, nagbibiyahe pa lang o hindi naman kaya paalis pa lang ng bahay.
Muling nagpapaalala ang BITAG, huwag na huwag iiwan ang inyong mga bahay ng walang nagbabantay.
Napakahalaga ng mayroong tao sa bahay lalo na kung mahaba-haba ang inyong bakasyon.
Sa mga maiiwan naman sa bahay maging ‘alerto at ‘listo sa lahat ng oras. Hindi garantiya na kapag nasa loob ng mga magagarang subdibisyon ay ligtas na kayo sa mga akyat-bahay at masasamang-loob.
Doble ingat dahil alam ng mga kawatang nagmamanman ang kanilang lolooban at titirahin.
Sa gabi, mabuting magbukas ng ilaw sa labas ng bahay at bahagyang buksan din ang ilaw sa loob.
Kung kinakailangan, magpatugtog ng radyo o music para alam ng mga dumadaan at iisipin nilang may naiwang residente.
Sakali namang wala talagang maiiwan at uuwi lahat sa probinsya, mabuting ibilin ninyo ang inyong bahay sa pinagkakatiwalaang kapitbahay pero isipin din na hindi nila ito mababantayan sa lahat ng pagkakataon.
Ipakisuyo na tanggalin ang mga delivery ng dyaryo at walisan ang inyong bakuran lalo na kung kayo ay magtatagal ng linggo o buwan upang hindi mapaghahalataang walang tao.
Ngayong long weekend, para makaiwas sa iba’t ibang uring modus at hindi mabiktima ng mga halang ang bituka at mga masasamang-loob, mag-log on sa bitagtheoriginal.com click “BITAG Safety Center.â€
Mag-ingat, mag-ingat!
- Latest