^

Punto Mo

Nagtataka raw si Gen. Bantolo

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

CONGRATULATIONS kay Sr. Supt. Allen Bantolo sa promotion niya sa pagka-heneral. Sa pagkaalam ko, nilagdaan na ni President Aquino ang promotions, hindi lang ni Bantolo kundi maging ng 12 iba pa kabilang na si Dep. Dir. Gen. Marcelo Garbo Jr. ‘Ika nga 3-star na si Garbo, ang CDS o No. 4 man ng PNP. Binabati ko rin sina Sr. Supt’s. Moro Lazo at Napoleon Taas, na na-promote din bilang heneral. Si Lazo ang OIC ng PRO1 samantalang si Taas ang hepe ng ITCMS sa Camp Crame. Teka nga pala, si Taas ang huling graduate ng West Point na nasa roster ng PNP. Bukas magkaroon ng pining ng star rank sa balikat nina Bantolo, Lazo at Taas sa Camp Crame. Kaya madadagdagan na naman bukas ang heneral sa hanay ng PNP. Mismo!

Sinabi naman ng mga kosa ko, nagtataka si Bantolo kung paano nadawit ang pangalan niya sa tong collection activities ng mga pulis na sina Jojo Cruz alyas Boy Pandak at Rod Malaya. Para sa kaalaman ni Bantolo, halos wala ka nang maitago sa panahon ngayon ng hi-tech equipment. Kahit sobrang galing mong magtago, maaamoy ka rin dahil halos lahat ng opisina ng NCRPO ay nakatutok sa isyu ng tong collection bunga sa nakikinabang din sila. Sinabi ng mga kosa ko na tumatanggap ang mga opisina sa NCRPO ng isang sakong bigas o di kaya’y pamalengke kada linggo sa tara ng weekly collection. Alam ‘yan ni Sr. Supt. Benjamin Acorda, ang dating hepe ng NCRPO intelligence. Sa halos tatlong linggo na nawala sa puwesto si Acorda, ang mga opisina na nabiyayaan niya ay nabakante rin kaya gutom na sila. At lahat sila ay nagmamatyag kung ipagpatuloy ng bagong upo na NCRPO intelligence sa katauhan ni Col. Cabreros ang sinimulan ni Acorda. Get’s mo Gen. Bantolo Sir? ‘Wag ka nang magtaka Gen. Bantolo Sir, kung nakatutok ang mga mata ng kapwa mo opisyal ng NCRPO at mga tauhan nila sa opisina mo? Hindi na kasi sila mga bata at ang kalakaran ay abot din nila. T’yak ‘yun!

Sa paglisan kasi ni SPO1 Jose ‘‘Jun’’ Bernardino Jr. bilang tong collector ng NCRPO, mara-ming katanungan ang mga gambling lords at financiers ng mga beerhouse, putahan at nightclubs. Sinabi ng mga kosa ko na nagtatanong ang gambling lords at financiers kung sino ba talaga ang may basbas, itong sina Boy Pandak at Rod Malaya o itong si Capt. Gilbert Cruz, na bata rin ni Bantolo. Ano ba ‘yan? Itong si Gilbert Cruz, ayon sa mga kosa ko, ay dating kolektor din ng Task Force Maverick ng CIDG at bumalik siya sa dating gawi dahil sa koneksiyon niya kay Bantolo. Ang mga ayaw maniwala kay Gilbert Cruz iniwanan niya ng salita na «Magharap-harap na lang tayo sa Bicutan.» Lilinawin ko lang mga kosa na si Gilbert Cruz ay hindi si Gilbert Cruz na CDS ng Manila Police District (MPD) ha? Kung si Gilbert Cruz ay kumikilos na, ganun din naman ang tropa nina Boy Pandak at Malaya. Kaya ang payo ni JB sa mga kausap n’ya ay bahala na kayo umarok kung sino ba talaga ang tunay na kolektor ng NCRPO. Nagpatawag ng meting si Cabreros sa lahat ng operatiba ng intelligence at RPIOU bukas at malalaman ko kung anong uri ng drama ang paiiralin ng NCRPO para makamtan ang target na P1 milyon weekly tong collection nila. Abangan!

BANTOLO

BANTOLO SIR

BOY PANDAK

CAMP CRAME

GILBERT CRUZ

NCRPO

ROD MALAYA

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with