Uok (122)
“PARA inaamoy ko lang naman ang buhok mo,†sabi ni Drew at bahagyang lumayo kay Gab.
“Nakadikit ka na kasi sa pisngi ko.’’
“Kasi nga ang bango mo.’’
“Sige ka, isusumbong kita kay Daddy. Gusto mo bang masira ang pagsasamahan n’yo? Okey na okey pa naman ang samahan n’yo.â€
“Dahil sa pag-amoy ko sa buhok mo e isusumbong mo na ako. Ang lupit mo naman Gab.’’
“Kasi, nagsisimula ang lahat sa pag-amuy-amoy at pagkatapos ay pahipu-hipo na hanggang isa iba na ang aamuyin…â€
“Ba’t mo alam?â€
“Socio major ako di ba? Pinag-aaralan ko ang mga nangyayari sa lipunan, paÂmilya at iba pa.’’
“Ah oo nga pala.’’
“Kaya, huwag ka munang umamuy-amoy, okey?’’
“Kahit man lang kiss sa pisngi o kaya sa palad mo, hindi puwede?’’
“Puwede naman.’’
“Pa-kiss nga sa pisngi. Para mawala lang ang panggiÂgigil ko.’’
“Ikaw talaga, hindi ka makapagpigil.’’
“Sa pisngi lang Gab. Talaga lang sabik na sabik ako sa’yo.’’
“Sige na nga. Pero simplehan mo lang at parang itong katabi natin ay nakikiramdam.’’
“Oo. Dampi lang sa maÂtambok mong pisngi.â€
Napahagigik si Gab.
Hinalikan siya ni Drew sa pisngi. Dampi lang pero nadama ni Drew ang kinis ng pisngi ni Gab. Nasamyo uli niya ang bango ni Gab. Napaka-suwerte niya at naging siyota niya ang babaing ito.
“Okey ka na Drew?â€
“Okey na. Next time uli ha.’’
Kinurot siya ni Gab. Saka may binulong sa kanya.
“Siguro kaya ka atat na makahalik ay dahil sa mga kinukuwento ni Daddy ano? Kasi naman, kung anu-ano ang kinukuÂwento sa’yo.’’
“Hindi yun! Hindi ako natatangay nun. Talaga lang hindi ko mapigilan ang sarili na manggigil sa’yo. Kasi naman ang ganda-ganda mo!’’
Kinurot uli siya ni Gab.
MAHAL naman talaga niya si Gab at kasama sa pagmamahal niya ang panggigigil dito. Sino naman ang hindi manggigigil ay talaga namang maganda ito. Ang mukha at katawan ni Gab ay walang katulad para sa kanya. Hanggang sa maalala niya ang tagpo sa batalan kung saan ay nakita niya itong naliligo.
Hubu’t hubad si Gab noon. Naitanong ni Drew sa sarili, sabihin kaya niya kay Gab na nasilipan na niya ito. Ano kayang reaksiyon ni Gab?
(Itutuloy)
- Latest