^

Punto Mo

‘BITAG ng mga akyat-bahay’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PINAAALALAHANAN ang mga lilipat at bagong lipat ng bahay, apartment o condominium unit, pangmatagalan man o panandalian lang, mag-ingat sa mga halang ang bitukang akyat-bahay.

 Upang hindi kayo malooban at mapasama sa estatistika ng mga nabibiktima, siguraduhing agad palitan ang mga door knob at susi ng inyong tinutuluyan.

 Marami ng ganitong uring kasong naidokumento ang BITAG. Nagugulat na lang ang ilan na sila’y nalooban dahil umalis sila sa kanilang bahay.

 I-tsek din lahat ng mga bintana, lagusan, labasan at mga maaaring pasukan ng mga kawatan. Palitan o maglagay ng mga double lock hanggat maaari.

 Huwag isugal ang inyong buhay sa mga lugar na inyong inuupahan. Kung kinakailangang gastusan para masiguro ang inyong kaligtasan, gastusan.  Huwag magtipid dahil ang kaligtasan, hindi nabibili o nababayaran.

 Hindi ninyo kasi alam baka bago kayo umupa dyan, ‘yung mga dating umukopa may hawak pa ring susi.

 Posibleng nagrenta lang sila ng ilang araw, kinabisado ang buong bahay na hindi nyo alam, bahagi lang pala ng kanilang modus.

Ngayong Holy Week, siguradong maraming aalis sa Maynila at uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

 Ang mga putok sa buhong sindikato at mga akyat-bahay, nag-aabang lang. Naghihintay na makasalisi at makapambiktima. Kaya, mag-ingat. Inuulit ng BITAG, huwag magtipid lalo na at kaligtasan ninyo ang nakasalalay.

Ang iba’t ibang tips na ibinibigay sa inyo sa BITAG ay makikita din sa BITAG Safety center­. Ito ‘yung mga tips at counter measure o mga kontra-modus para makaiwas kayo at hindi mabiktima.

 Sa iba pang mga modus tips, ugaliing manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

HUWAG

INUULIT

KAYA

MARAMI

MAYNILA

NGAYONG HOLY WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with