Uok (120)
“HINDI ka sana nalaswaan sa mga kinuwento ko, Drew,†sabing nagpapaumanhin ni Basil.
“Hindi po. Okey lang po ‘yun.’’
“Salamat, Drew. TaÂlagang magkakasundo tayo.’’
“Salamat din po.’’
“O baka may pag-uusapan kayo ni Gab. Matutulog muna ako. Bahala na kayo diyan,†sabi at tumingin kay Gab, “Gab, kapag aalis kayo ni Drew e ikandado mo ang gate, alam mo na maÂraming akyat bahay. Matutulog ako.’’
“Hindi naman kami aalis, Daddy. Sige matulog ka na. Baka napagod ka sa pagkukuwento kay Drew.’’
“Baka nga. Sige Drew, balik ka uli ha?â€
“Opo.’’
Nagtungo na sa kanyang kuwarto si Basil.
“Natapos ba ang ginagawa mo, Gab?â€
“Sa wakas. Printing na lang. Napakarami kong ipi-print. Marami akong magaÂgastos sa ink nito.’’
“Yung iba e ipa-xerox mo na lang para menos gastos. Ganyan ang ginawa ko.’’
“Tulungan mo ako sa pagpapa-xerox ha?â€
“Oo naman. Ikaw pa ang hindi ko tulungan e special ka sa akin.’’
Kinurot siya sa braso.
“Pagkatapos nitong mga ginagawa kong thesis at report, pasyal tayo minsan sa mall ha, Drew?â€
“Oo. Sige. Matagal na tayong hindi nakakapag-bonding.’’
“Makakapag-isa na naman si Daddy. Hindi na siya tulad ng dati na namamanhid ang braso at maliksi na ring kumilos.’’
“Oo nga. Napansin ko nga. Matalas din ang memorya.’’
“Malaki rin siguro ang naidulot nang pagkukuwento sa’yo. Nari-recall ang mga nakaraan.â€
“Oo nga.’’
Ilang araw ang lumipas at natapos ang mga project sa school ni Gab. Namasyal sila sa isang mall.
Habang naglalakad, nagkukuwentuhan.
“Magkasundung-magkasundo kayo ni Daddy ano?â€
“Oo. Gusto ko siyang kausap.’’
“Sana hindi tayo magkahiwalay. Kasi magiging masakit sa akin dahil magkasundo na kayo ni Daddy. Baka hindi lang ako ang masaktan, baka pati si DaddyÂ. Baka magkasakitg uli siya…â€
“Hindi tayo magkakahiwalay, Gab…â€
(Itutuloy)
- Latest