^

Punto Mo

‘Botcha sa tag-araw’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PINAG-IINGAT ang publiko sa mga ibinibentang double dead meat o “botcha” sa mga pamilihan.

Ito ‘yung panahon kung saan mataas ang mortality rate sa mga malalaking farm partikular sa baboy.

Dahil sa matinding init, marami ang nagkakasakit, namamatay. Dito naman lumalabas ang pagiging malikhain ng mga trabahante sa mga piggery farm.

Sa halip na sunugin at ilibing ang mga carcass o patay na hayop, ang mga farm worker, para makinabang at kumita, tumatawag ng mga kontratista.

Sila ‘yung mga kontratista na may closed aluminum van. Kukunin nila ang mga patay na baboy, dadalhin sa mga slaughter house saka idi-deliver sa mga wet market at pampublikong pamilihan.

Dahil matagal nang namamayagpag ang patagong industriyang ito, mayroon nang demand at supply ang mga double dead meat sa merkado.

Ang mga tindero at parokyano, may kanya-kanya ng sign language o senyasan. Bumibili sila hindi para ipakain sa kanilang pamilya kundi para ibenta at pagkakitaan.

Ito ‘yung kadalasang mga ibinibentang lutong-ulam sa mga karinderya at mga ihaw-ihaw o barbeque sa mga gilid ng lansangan at terminal.

Di hamak na mas mura kasi ang presyo ng mga “botcha” kaysa sa mga talagang dumaan at pumasa sa pamantayan ng National Meat Inspection Service o NMIS.

Para makaiwas sa “botcha,” mabuting bumili lang ng karne sa inyong mga suking pinagkakatiwalaan. Nakakasiguro pa kayo na ligtas ang ipinakakain ninyo sa inyong pamilya.

All Points Bulletin ng BITAG sa mga bumibili lalo na sa mga ina ng tahanan, maging mapanuri sa inyong mga binibili.

Upang hindi mabiktima ng iba’t ibang uring modus, ugaliing makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ALL POINTS BULLETIN

BUMIBILI

DAHIL

DITO

KUKUNIN

NAKAKASIGURO

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with