Uok (119)
“WALANG nakaalam na ako ang kalaguyo ni Mahinhin. Maski ang mga pinsan ko ay walang kaalam-alam na ako ang sumira sa isa na namang tahanan sa barangay. Pero gaya nang nasabi ko na sa’yo hindi lang naman ako ang dapat sisihin kung bakit nangyari iyon. Malaki rin ang papel ni Mahinhin. Nagpakita siya ng motibo at ako naman ay lalaki na madaling matukso…†Tumigil sandali si Basil sa pagkukuwento at tiningnan si Gab na tumayo mula sa pagta-type sa laptop.
Saka nagpatuloy sa pagkukuwento ukol sa ginawang pagpapapatay kay Mahinhin ng mismong asawa nito. “Mayroon daw nakapagsumbong sa asawa ni Mahinhin na may ginagawa itong milagro kaya iniupa ang pagpatay. Para raw hindi maghinala ay isinabog ang mga gamit sa bahay para akalaing pinagnakawan muna bago pinatay.’’
“Pero sabi mo po ay ginahasa pa si MaÂhinhin?’’
“Oo. Lumabas sa pagsisiyasat na ginahasa si Mahinhin. Walang pang-ibabang saplot nang matagpuan.’’
“Sa palagay mo iniutos din ang paggahasa kay Mahinhin?â€
“Iyon ang hindi natukoy. May nagsasabi na sumira sa usapan ang hired killer at ginahasa si Mahinhin. Siguro ay masyadong nagandahan kay Mahinhin kaya kahit wala sa usapan ang panggagahasa ay ginawa.â€
“Kawawa naman pala si Mahinhin.’’
“Ipinagpasalamat ko nga na wala ako sa bahay ni Mahinhin kundi ay dedbol na ako ngayon. Lumuwas na kasi ako noon. Natakot kasi ako.’’
“Matagal ka bago uli nagtungo sa probinsiya?â€
“Oo. At alam mo ba ang nalaman ko nang magtungo uli roon?’
“Ano po?â€
“Nagpakamatay ang asawa ni Mahinhin. Nagbaril sa sarili. Natagpuan na nabubulok na ang bangkay.’’
“Parang katulad din ng nangyari sa asawa ni Pacita.â€
“Oo.’’
“Ano pong kasunod na nangyari?â€
“Tapos na roon. Panibago na naman.â€
Nang lumapit si Gab. May itinanong kay Basil.
“Dad, uminom ka ba ng gamot mo?â€
Napakamot si Basil sa ulo.
“Hindi pa! Teka at iinom ako.’’
Nagtungo sa kusina si Basil.
Napairap si Gab. NapaÂngiti naman si Drew.
“Ano ba ang kinuÂkuwento ni Daddy?â€
“Yung mga karanasan niya noong kabataan. Suspense ang mga kuwento niya. Napakarami pala niyang karanasan na kakaiba.’’
“Tungkol sa babae?â€
“Oo.’’
“Baka nakakuha ka ng ideya sa kanya, Drew.â€
“Hindi.â€
Umirap.
“Hindi nga. Natutuwa lang akong makinig sa kanya. Mahusay kasing magkuwento.â€
Maya-maya lumapit na si Basil.
“Sa ibang araw uli tayo magkuwentuhan, Drew. Napagod ako. Matutulog muna ako. Mas maganda ang sunod kong kuwento.’’
“Sige po.â€
(Itutuloy)
- Latest