^

Punto Mo

Uok (118)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SHOCK ako sa balitang kumalat na natagpuang patay si Mahinhin sa loob ng kanilang bahay,” sabi ni Basil sa mababang boses.

“Ano po ang dahilan?”

“Ayon sa mga pulis, pi­nagnakawan at ginahasa pa. Wala raw saplot sa ibaba nang matagpuan.’’

“Sino po kaya ang may kagagawan?’’

“Walang masabi ang mga pulis?’’

“Yun pong lalaking hu­mabol sa’yo, may kaugnayan kaya yun?”

“Malaki.’’

“Paano mo po nasabi?”

“Ang hinala ko at ganundin ang mga tao, ipinapatay si Mahinhin ng asawa. At ang pumatay ay ang lalaking humabol sa akin.”

Kinilabutan si Drew.

“Kung inabutan ako ng lalaki, baka wala ako ngayon. Hindi tayo nagkukuwentuhan ngayon at wala lahat. Kasi yung paghabol sa akin ng lalaki ay nasa plano. Ako muna ang uunahing patayin at saka isusunod si Mahinhin. E kaso nga’y hindi ako nadale, si Mahinhin na lang ang inutas. Mula kasi nang mangyari ang paghabol sa akin ng lalaki, hindi na ako naglalabas ng bahay ng pinsan ko. Na­takot ako. Hindi naman ako maa­aring pasukin sa bahay ng killer sapagkat isa sa mga pinsan ko ay pulis. Bago ako mapasok ay mahuhuli siya. At makaraan kong mabalitaan ang pagkamatay ni Mahinhin, lumuwas na ako ng Maynila. Ayaw ko nang may mangyari pa sa akin. Habang nasa bus ako, tingin ako nang tingin sa paligid at baka kasabay ko ang killer.

“Matagal ako bago nagbalik sa lugar na iyon. Si­guro ay mga tatlong taon. Pinalamig ko muna ang ukol kay Mahinhin.

“Pagbalik ko, marami pa palang nangyari. Tama ang hula ko na ang asawa ni Mahinhin ang may kagagawan. Kumalat ang balita na kaya ipinapatay si Mahinhin ay dahil may lalaki.”

“Nalaman po na ikaw ang lalaki?”

“Hindi.”

(Itutuloy)

 

AKO

ANO

AYAW

AYON

HABANG

ITUTULOY

KASI

KINILABUTAN

MAHINHIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with