^

Punto Mo

Sanggol sa France, nakaligtas matapos mahulog mula 6th floor ng gusali!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang milagro ang nangyari sa isang 18-buwan na sanggol sa Paris matapos mahulog mula sa ika-anim na palapag ng isang gusali. Iniwan ng mga magulang na naglalaro ang sanggol kasama ang kanyang kapatid malapit sa bintana ng kanilang apartment at sa hindi pa malamang dahilan, nahulog ang sanggol.

Suwerte naman at may toldang nakabukas sa ibaba ng apartment na hinulugan ng sanggol kaya tumalbog siya rito. At talagang mapalad ang sanggol dahil bago siya bumagsak sa semento makaraang tumalbog, may isang doktor na naglalakad sa lugar na iyon at nasalo siya.

Nakilala ang doktor na si Philippe Bensignor. Ayon sa doctor, nasa tamang oras at lugar siya kaya nagawang iligtas ang sanggol. Naglalakad umano siya malapit sa pinangyarihan ng insidente nang makita ang sanggol na mahuhulog mula sa bintana ng apartment kaya tumakbo siya upang subukan na saluhin ito pero bumagsak din sa tolda.

Ayon sa report, wala daw dapat tolda sa ibaba ng apartment na pinagtalbugan ng sanggol. Nagkataon na hindi ito mai-fold ng may-ari ng tindahan kaya hindi na muna niya inalis sa kalye. Kung nagkataong inalis ang tolda, siguradong diretso ang sanggol sa semento at mamamatay siya sa pagkabasag ng bungo.

Wala man lang galos na na-tamo ang sanggol. Bumunghalit lang ito ng iyak matapos masalo ng doktor dahil siguro sa gulat at takot sa nangyaring pagkahulog.

vuukle comment

AYON

BUMUNGHALIT

INIWAN

NAGKATAON

NAGLALAKAD

NAKILALA

PHILIPPE BENSIGNOR

SANGGOL

SIYA

SUWERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with