^

Punto Mo

Uok (113)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SINO po kaya ang nakakita sa inyo, Sir Basil?” tanong ni Drew na nasu-suspense sa karugtong ng kuwento.

“Hindi ko alam. Dahil nga masyado akong na­sabik kay Mahinhin, hindi ko na inintindi­ kung mayroon mang nakakakita sa pag­pasok ko. Ang mahalaga sa akin ay mangyari ang aking inaasam.’’

“Lalaki po ba o babae ang nakakita?”

“Lalaki.’’

“Ano pong nangyari pagkaraan?”

“E di pinapasok na nga ako ni Mahinhin sa loob. Hawak pa nga niya ako sa kamay. Hinihila ako. Palagay ko’y sabik na rin siya. Iyon ang pakiramdam ko. Ako naman ay sunud-sunuran sa kanya. Kung ano ang gawin niya, okey lang.’’

“Wala ka na pong nadamang takot kagaya ng unang paghahamok n’yo ni Ma­hinhin?”

“Wala na! Guniguni ko lang pala ang mga nagbigay ng nerbiyos sa akin. Hindi ko pala dapat katakutan si Mahinhin.”

“Ano po ang sumunod na scene?’’

“Atat ka rin ha, Drew, he-he!”

“Maganda po ka­sing story, he-he!”

“Hindi kaya tayo na­ririnig ni Gab?”

“Hindi naman po siguro. Busy po siya sa pagta-type.’’

“Kakahiya kasi sa kanya. Anyway, ganito ang sunod na scene. Pagpasok na pagpasok namin sa loob, mabilis na ini-lock ni Mahinhin ang pinto at sa pagkagulat ko, biglang hinubad ang bulaklaking daster.

Nakatingin lang ako na para bang nanuno sa punso. Ang natira lang sa kanya ay ang kapirasong itim na saplot. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang sa akin.

“Nagtanong ako kung ano ang gagawin namin? Sa halip sumagot ay may kinuha sa cabinet na nasa gawing kaliwa niya. Tali. Nylon. Ano ba ito? Lumapit sa akin at tinalian ang dalawa kong kamay. Pagkatapos talian ay hinila ako paakyat sa second floor. Para akong kalabaw na hinihila pataas. Sumusunod naman ako. Panibagong karanasan na naman…’’

(Itutuloy)

AKO

ANO

ATAT

DAHIL

LALAKI

MAHINHIN

NAKATINGIN

SIR BASIL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with