EDITORYAL - Sige, linisin pa ang maruming BIR
ISA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga tanggapan ng gobyerno na pinamumugaran ng mga “hayok na buwayaâ€. Kahanay ng BIR ang Bureau of Customs at Department of Public Works and Highways kung ang katiwalian ang pag-uusapan. Bistado na ng publiko noon pa na maraming opisyal at empleado ang BIR na walang pagkasawa sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Maraming opisyal at empleado sa BIR ang namumuhay nang sagana pero kung haÂhalungkatin ang kanilang suweldo, hindi tumutugma sa uri ng kanilang pamumuhay. May mga opisyal sa BIR na maraming ari-arian – may resort, farm, mga paupahang bahay, maraming mamahaling sasakyan at walang patid ang pag-aabroad. Wala na silang kahihiyan at hindi na tinatablan ang “mala-buwayang balatâ€. Magmula noon hanggang ngayon, patuloy pa rin ang mga “buwaya†sa paglulunoy sa mayamang batisan ng BIR.
Ang isang maipupuri lang, sa kabila na maraming “buwayaâ€, nagpupumilit ang kasalukuyang commissioner ng BIR na malambat ang mga “hayokâ€. Marahil nakatatak sa isipan ni BIR Commissioner Kim Henares ang laging sinasabi ni President Noynoy Aquino na pagtahak sa “tuwid na daanâ€. Kailanman, hindi magkakaroon ng pagbabago kung maraming gumagawa ng katiwalian.
Marami nang opisyal at empleado ng BIR ang kinasuhan. Noong nakaraang Lunes, isang BIR assistant commissioner ang sinibak sa puwesto makaraang bumagsak sa lifestyle check. Sinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman si Zenaida B. Chang dahil sa hindi maipaliwanag na yaman. Hindi tugma ang kanyang suweldo sa uri ng pamumuhay. Bukod sa pagkakasibak sa puwesto, hindi rin makukuha ni Chang ang kanyang mga benepisyo.
Ganito rin ang kinahantungan ng mag-asawang Marlon at Emma Pascual ng BIR. Hindi rin dineklara ng mag-asawang Pascual ang kanilang SALN. Marami umanong ari-arian ang mag-asawa na hindi tumutugma sa kanilang suweldo. Ang pinagsamang suweldo ng mag-asawa ay umaabot lamang umano sa P278,424.
Pagkasibak lamang sa puwesto ang hatol sa mga nagpasasa sa yaman ng bayan. Hindi nila ito iindahin sapagkat nakapagnakaw na sila. Dapat sa mga gumawa ng katiwalian ay ilagak sa madilim na piitan. Sana hindi lamang BIR ang maglinis kundi pati ang Customs at DPWH.
- Latest