^

Punto Mo

$4,000 na barya, natagpuan sa bituka ng lalaki!

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 62-anyos na lalaki sa France ang pumunta sa ospital na dumadaing ng sakit ng tiyan at hindi makarumi. Agad siyang sinuri ng mga doctor. Isinailalim sa x-ray at maraming nagulat sa resulta: Punumpuno ng mga barya ang bituka ng lalaki na umaabot sa $4,000.

Dahil sa panganib na dulot ng mga barya sa lalaki, inoperahan ang lalaki para matanggal ang mga barya sa kanyang bituka. Ayon sa mga doctor, halos bumigay na ang mga lamanloob ng lalaki sa bigat ng mga barya na lampas limang kilo. Bukod sa mga barya, may mga nakuha ring alahas at karayom sa bituka.

Ayon pa sa mga doctor, sa dami ng nakuhang barya, maaring 10 taon na ang mga iyon sa bituka.

Ayon naman sa mga kaanak ng lalaki, matagal na itong may sakit sa pag-iisip kaya kumakain ng barya. Hindi umano nito mapigilang kumain ng barya at minsan pa nga raw ay nangungupit pa ito sa ibang tao para lamang magkaroon nang papapaking barya.

Ang tawag sa sakit ng lalaki ay pica kung saan hindi mapigilan ng maysakit ang pagkain ng mga bagay na hindi dapat kinakain. Karaniwan nang barya ang pinapak ng mga may sakit na pica ngunit may iba na kumakain din ng buhok, posporo, sabon, at iba pang mga bagay na madaling isubo at lunukin.

Ayon sa mga doktor, ipinakita ng kakaibang kaso na ito ang importansiya ng pagkakaroon ng tamang pag-aalaga sa mga taong may sakit sa pag-iisip.

AYON

BARYA

BUKOD

DAHIL

ISINAILALIM

KARANIWAN

LALAKI

PUNUMPUNO

SAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with