^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan ‘matutuwid’ ang Customs at BIR?

Pang-masa

“SA bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan. Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinum-paan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.” Ito ang sinabi ni President Noynoy Aquino sa kanyang unang SONA noong Hulyo 2010.

‘‘Tuwid na daan” ang gustong tahakin ng Aquino administration. Walang bahid ng corruption. Deretso. Lagi itong inuulit ni P-Noy at gusto niyang matatak sa isipan ng mga lingkod-bayan.

Subalit sa kabila na maigting ang kampanya laban sa katiwalian, marami pa ring opisyal at empleado ng gobyerno ang patuloy na gumagawa nito. Wala silang kabusugan sa pagsimot sa pera ng bayan. Ganito ang ginagawa ng ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR). Hindi nila alam ang “tuwid na daan”.

Halimbawa dito ang isang opisyal ng Customs sa Cagayan de Oro City na dinismis ng Office of the Ombudsman makaraang bumagsak sa lifestyle check. Inalis sa puwesto si Eduardo Ginea Wong makaraang mapatunayan na ang kanyang suweldo ay hindi tugma sa magarbo niyang pamumuhay. Ayon sa report ng Department of Finance, si Wong ay sumusuweldo lamang ng P30,000 monthly subalit napakarami niyang ari-arian. Hindi rin umano dineklara ni Wong ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ganito rin ang kinahantungan ng mag-asawang Marlon at Emma Pascual ng BIR. Hindi rin dineklara ng mag-asawang Pascual ang kanilang SALN. Marami umanong ari-arian ang mag-asawa na hindi tumutugma sa kanilang suweldo. Ang pinagsamang suweldo ng mag-asawa ay umaabot lamang umano sa P278,424.

Ang Customs at BIR ay nangunguna sa mga ahensiyang talamak ang katiwalian. Dahil sa katiwalian ng mga opisyal at empleado rito, laging kapos ang target na revenue. Kailangan na ang seryosong paglilinis sa dalawang ahensiya para matahak ang “tuwid na daan”.

ANG CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF FINANCE

EDUARDO GINEA WONG

EMMA PASCUAL

GANITO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with