Kailangang makiapid para suwertehin
MAY isang Islamic shrine sa tuktok ng bundok ng Gunung Kemukus, sakop ng bayan ng Solo, Indonesia. Dito isinasagawa ang kakaibang ritwal upang makamit ang magandang suwerte: Pakikipagtalik sa hindi mo kakilala ng pitong beses tuwing ika-35th day. Gamit ang sinaunang Javanese calendar, ang ika-35 araw ay tumatapat sa tinatawag nilang Jumat Pon. Pinaniniwalaan nila na ito ang lucky day upang makipagtalik sa hindi kakilalang tao sa ibabaw ng puntod ni Prinsipe Pangeran Samodro at madrasta niyang si Nyai Ontrowulan. Sinasabing ang dalawa ay naging magkalaguyo sa bandang huli.
Tuwing sasapit ang Jumat Pon, humahangos ang mga kasali sa adulterous pilgrimage sa Islamic shrine. Sila ay magdadasal muna, mag-aalay ng bulaklak sa puntod at saka maliligo sa katabing bukal. Hahatiin ang grupo sa dalawa; lalaki at babae. Magpipilian sila ng gusto nilang makatalik. Kailangang hindi magkakilala ang dalawang magiging sex partner. Hindi puwedeng mandaya dahil hindi tatalab ang inaasam na magandang suwerte. Pitong Jumat Pon silang magkikita sa shrine para magtalik sa ibabaw ng puntod ng magkalaguyo.
Karamihan sa mga pumupunta sa adulterous pilgrimage ay mga maliliit na negosyante, food stall owners, may tindahan sa palengke o kaya ay street vendors na nagnanais na lumakas ang kanilang munting negosyo. Maraming nagpapatunay na effective ang ritwal. Totoong lumakas ang kanilang negosyo at hindi kinakapos sa pera. O, kaya ay ang dating walang trabaho ay nagkaroon ng magandang trabaho pagkatapos makumpleto ang pilgrimage.
Minsan ay inisip ng gobyerno na ipatigil na ang adulterous pilgrimage ngunit marami ang tumutol dahil malaki ang kinikita ng gobyerno na sumasakop sa lugar ng Gunung Kemukus shrine. Hindi nila kayang buwagin ang matagal nang superstitious belief ng mga tao. Ang tanging magagawa lang ng gobyerno ay magtayo ng health clinic na ang specialization ay sexually transmitted disease. Namimigay din sila ng hands out, libreng condom at libreng HIV/AIDS test.
- Latest