Kotse ‘kinarnap’ ng oso sa California
MASAYANG nagbabakasyon si Brian McCarthy at kanyang pamilya sa kanilang bahay bakasyunan sa Lake Tahoe sa California nang isang gabi, nagambala sila ng ingay mula busina ng kanilang sasakyan. Nang lumabas sila upang alamin kung ano ang nangyayari, nakita nila ang kanilang kotse na umuuga at bumubisina at may kakaibang ungol na nanggagaling sa loob.
Lumapit si Brian sa kotse upang tingnan kung sino ang nasa loob. NaÂgulat siya nang makita ang isang oso na nasa driver’s seat at piniÂpindot ang busina!
Naramdaman ng oso na may taong papalapit kaya nataranta ito at sinira ang mga upuan ng kotse sa kagustuhang makalabas. Palibhasa’y automatic ang kotse kaya mabilis na nailipat ang kambiyo nito mula sa parking papuntang reverse. Pagka-kambiyo pa-reverse, natapakan din ng oso ang gas kaya umatras ang sasakyan sa kalsada.
Nakalayo ang kanilang kotse ng ilang metro bago bumangga sa bakuran ng isa nilang kapitbahay. Nawasak ang kotse kaya nakalabas ang oso. Hindi na dinatnan ng mga McCarthy ang oso dahil mabilis itong nakalayo.
Problema ng mga McCarthy kung paano ipapaliwanag sa insurance company ang kakaibang insidente ng “carnapping†na kanilang naranasan.
- Latest