Uok (105)
“KAHIT na nag-iinit na ako ay naroon pa rin ang kaba dahil sa ipinakikita sa akin ni Mahinhin. Naisip ko, hindi kaya set-up ito? Hindi kaya narito ang asawa ni Mahinhin at kaya ako inanyayahan na pumunta ay para mahuli sa akto? Wala akong kalaban-laban kung ganoon ang mangyayari. Puwede akong barilin, saksakin o kaya ay tagain. Wala akong magagawa kundi hintayin ang kapalaran.
“Kung anu-ano ang nagÂlaro sa isipan ko ng mga sandaling iyon kahit na mayroong nagpupumiglas sa haÂrapan ko. Naalala ko ang nangyari sa unang babaing ‘sinira’ ko --- si Pacita na nagbigti at ang asawa nito na nagpakamatay din. Malagim ang nangyari sa mag-asawa at mayroon din akong part kaya nagkaganoon. Ako ang sumira sa kanilang tahanan, pero masisisi rin si Pacita dahil ipinagkaloob ang pagkababae. Hindi ko naman siya pinilit.
“At ngayon ay eto na naman at tila iisa ang pattern. Kaya nga naisip ko, baka set-up ito. Baka isang pain si Mahinhin.
“Ganoon man pinakalma ko ang sarili at naging handa. Kung may babaril o sasaksak sa akin ay maaaring hindi ako mapuruhan. Maaaring akong makatakbo o makapanlaban.
“Kinausap ko si Mahinhin para mapigilan muna ang kung anong mangyayari. Kailangan ay makakuha ako ng iba pang impormasyon sa kanya na maaaring makabawas sa pangamba o pagdududa ko. Bigla akong nakaisip ng itatanong.
“Tinanong ko siya kung may kilala siyang Pacita. Nag-isip si Mahinhin. Pagkaraan ay nagsalita. Kilala raw niya. Yun daw ang nagbigti ilang taon na ang nakararaan. Tinanong ko kung bakit nagbigti. Kasi raw ay nahuling nanlalalaki. Sino ang nakahuli, tanong ko. Ang asawa raw. Pero ang tsismis ay pinatay muna si Pacita bago binigti. Nagpa-kamatay din daw ang asawa.
“Tinanong ko kung naÂkilala ang kalaguyo ni Pacita. Hindi raw. Wala raw naÂkaalam.
“Medyo nabawasan ang kaba ko at agam-agam. BaÂkit ko raw tinanong si Pacita. Sabi ko’y wala.
“Napangiti si Mahinhin. Nakita ko uli ang mga hita niya.’’
(Itutuloy)
- Latest