Bawal magdasal
ISANG estudyanteng atheist ang naghain ng reklamo sa ACLU tungkol sa pagdadasal ng kanyang eskuwelahan bago simulan ang graduation. Isa siya sa nakatakdang magtapos pagsapit ng pagsasara ng school year. Ang ACLU ay American Civil Liberties Union, non-partisan, non-profit whose stated mission is “to defend and preserve the individual rights and liberties guaranteed to every person in this country by the Constitution and laws of the United States. Noon din ay naghain ng kaso ang ACLU.
Habang dinidinig ang kaso, nagbigay ng announcement ang principal ng eskuwelahang inirereklamo : Tatanggalin na ang bahagi ng Opening Prayer natin sa graduation sa susunod na linggo. Isa laban sa 2000 estudyante. Unfair, pero wala tayong laban sa batas.
Sumapit ang araw ng graduation. Nakatayo na ang lahat ng graduates. Tumayo ang principal sa podium at nagsalita: “Let us pause for a moment of silenceâ€.
Katahimikan. Halos maririnig ang tunog ng nahulog na karayom. May isang mahinang boses na napabulong ng “Our Father, who art in heaven, hallowed be thy name…†Sumunod ang dalawang boses…tatlo…apat…hanggang nagsabay-sabay na ang mga boses ng mga tao. Pumailanlang ang The Lord’s Prayer sa buong auditorium. Napasimangot ang atheist, wala siyang nagawa.
“Do not be afraid; keep on speaking, do not be silent. For I am with you, and no one is going to attack and harm you, because I have many people in this city.†(Acts 18:19,10)
- Latest