Angkinin agad ang tagumpay
NOONG nakaraang taon ay first honor si Paul. Kung kailan nasa grade 6 ay saka bumaba ang rank niya, top 2 na lang sa first at second grading period. Pagsapit ng third grading, nabawi ni Paul ang kanyang trono at siya muli ang nag-top one. Kaya nang dumalaw sa bahay namin ang mag-ina, may pag-aalala si Paul nang mag-usisa ang aking anak:
“Kailan ang graduation ninyo?â€
“March 28â€
“Ikaw ba ang Valedictorian?â€
“Wala pang announcement Kuya.â€
“Bakit parang malungkot ka?â€
“ Kasi sa third grading lang ako nag-top one. ‘Yung kalaban ko, top one ng first at second grading.â€
“ Malay mo, ikaw ang top one ng last grading period. Tig-dalawang period kayo ng iyong kalaban. Isasama pa doon ang iyong mga extra-curricular activities. Di ba’t ang dami mong ipinanalong contest? Ilang contest ang ipinanalo ng iyong kalaban?â€
“Wala. Laging taloâ€
“O, kita mo. Doon pa lang, nakakaungos ka na! Mara-ming beses mong pinasikat ang inyong iskul sa buo ninyong probinsiya.â€
Nang magpaalam ang mag-ina, niyakap ng aking anak si Paul, sabay sabing, “Congratulations sa Valedictorianâ€
“Kuya, hindi pa sure…†at bahagyang napatawa.
“Simula sa oras na ito, angkinin mo na ang pagiging Valedictorian. You’ll see, magkakatotoo ‘yun. Positive thinking lang.â€
Tumango naman ang bata. Parang nakumbinsi siya ng aking anak.
Pagkaraan ng ilang araw, tumawag si Paul sa aking anak: “Kuya effective ‘yung itinuro mo…ako ang Valedictorian!â€
- Latest