^

Punto Mo

Universe Girls Club dating Miss Universal

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

PARA sa kaalaman ni Pasay City Mayor Tony Calixto, nag-ooperate na walang permit ang Universe Girls Club na nasa F.B. Harrison St., na 100 metro lang ang layo sa City Hall. ‘Ika nga, nag-ooperate ang club na puro lakas ng loob lang ang kapital. Hindi lang ‘yan! Sinabi rin ng mga kosa ko sa Pasay na ang naturang club ay talamak ang bold show at pati ang mga babae na naka-empleo roon ay walang permit. Ano ba ‘yan? Ang Universe Girls Club ay 50 metro lang ang layo sa Asian Institute of Maritime Studies (AIMS). Di ba bawal ang mga beerhouse at nightclub na malapit sa eskuwelahan? An’yare Mayor Calixto Sir?

Ilang beses nang nagpalit ng pangalan ang Universe Girls Club dahil sa raid ng mga awtoridad. Subalit laging nakababalik at ang ginagawa ng mga bagong may-ari, pinapalitan ng pangalan. Dati kasi itong Miss Universal at nagsara dahil sa raid na iniutos ni Vice President Jejomar Binay. Halos 100 empleado ng Miss Universal ay nakakulong pa sa NBI dahil tinalikuran na sila ng may-ari na si William Sy. Matapos palang pagkakitaan ni Sy ang kanyang mga empleado,  e iniwan na niya sa ere, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Sa pagkaalam ng mga kosa ko, ang kontrata ni Sy sa building ng Miss Universal ay limang taon kaya sayang naman kung hindi ito mag-ooperate. Kaya pumasok na ang magkapatid na Hapones na sina alyas Susuki at kasosyong Akira. Ang kausap ng mga tauhan ng mga Hapones na sina Jackie Ramos at Tony Butete ay ang mga operating unit ng PNP, NBI GAB, CIDG at IACAT na nag-raid sa establisimento noong Miss Universal pa ang tawag. Pinalitan nina Jackie Ramos at Tony Butete ang pangalan sa Universe Girls Club para magmukhang bago. Hehehe! Palusot pa kayo ha?

Ang bago lang sa club ay ang pangalan dahil sa loob nito kung ano ang ginagawa dati ni William Sy ay ganun pa rin ang modus operandi. Halimbawa, sa pagpasok ng mga kustomer, ang tatambad sa kanila ay ang 10 babaing nagsasayaw nang hubo’t hubad sa entablado. Ang mga babae, na walang working permit, ay walang kikitain kapag hindi sila na-table. Ang mga naka-table naman ay dapat maka-dalawang drinks kundi wala silang diyeta o budget. Ang ladies drink mga kosa ay P1,800 at P500 dito ang mapupunta sa babae, P150 sa manager at P150 din ang kay Jackie Ramos. Ang tinatawag na bar fine ay ‘yung iti-take-out mo ang babae, ang bayad ay P3,000 at P1,500 ang sa babae at sa kawawang manager ay P120 lang. O hayan, Vice President Binay Sir, alam mo na ang gagawin mo.

Halos gabi-gabi naman na umiinom nang libre ang isang mataas na opisyal ng permit division sa Universe Girls Club. Ang bukambibig ng opisyal, ipapasara niya ang club kapag hindi siya pinagbigyan dahil wala itong permit. Alam pala niyang walang permit e ba’t kinukunsinti ng bata mo, Mayor Calixto Sir? Mag-helmet ka, Mayor Calixto Sir! Abangan!

ANG UNIVERSE GIRLS CLUB

CLUB

JACKIE RAMOS

MAYOR CALIXTO SIR

MISS UNIVERSAL

TONY BUTETE

UNIVERSE GIRLS CLUB

WILLIAM SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with