^

Punto Mo

Lalaki kinidnap ang sarili para ‘makatakas’ sa asawa

- Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang ginawa ni Rogelio Andaverde ng San Antonio, Texas para “matakasan” ang asawa at makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan: Nagkunwari siyang dinukot ng mga di-kilalang lalaki at naglaho ng ilang araw.

Ayon sa report ng pulis ng San Antonio, bigla na lang pinasok isang gabi ng dalawang kalalakihan ang bahay ni Rogelio at ng kanyang asawa. Nakamaskara at armado ng baril ang dalawang lalaki na pinuwersang pasukin ang pamamahay ng mag-asawa at dinukot si Rogelio.

Takot na takot naman ang asawa ni Rogelio na kaagad tumawag ng pulis. Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis para mabawi ang dinukot. Ilang dosenang pulis at isang helicopter ang ipinakalat upang hanapin si Rogelio.

Subalit hindi nila nakita si Rogelio. Hanggang itinigil ng mga pulis ang operasyon pagkatapos ng isang araw.

Nagulat ang lahat nang biglang lumitaw si Rogelio pagkaraan ng dalawang araw mula nang “makidnap”. Ayon kay Rogelio, basta na lang daw siya pinakawalan ng mga dumukot sa kanya ng walang anumang kapalit.

Hindi naman ito pinaniwalaan ng mga pulis kaya nagsagawa ang mga ito ng isang masusing imbestigasyon sa insidente. Napag-alaman ng mga imbestigador na gawa-gawa lamang ang sinasabing pagdukot kay Rogelio. Ang dalawang lalaki na kumidnap sa kanya ay mga kaibigan niya at isinagawa iyon para lamang makatakas sa kanyang asawa at makapag-party kasama ang mga kaibigan.

Dahil sa “pag-kidnap me” na nakaistorbo sa mga pulis, pinagmulta si Rogelio ng $5,000 o katumbas ng P200,000.

AYON

DAHIL

HANGGANG

ILANG

NAGKUNWARI

NAGSAGAWA

PULIS

ROGELIO

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with