^

Punto Mo

My father is a teacher!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOONG grade one ang aking mister, ang unang activity nila sa English class ay tumayo sa harapan at ipakilala ang sarili. Iisa ang pattern ng pagpapakilala ng kanyang mga kaklase: May name is___; I am 7 years old; My ambition is to be a ___; My father is ___. He is a (profession). May mother is___. She is a (profession).

Bibo naman siya noong bata pa, kaya sa isip niya, mamaniin lang niya ang pagsasalita sa harapan ng mga kaklase. Pero may isang problema. Magsasaka lang ang tatay niya. Karamihan sa mga kaklase niya ay teacher ang ama. Nauso siguro nang panahong iyon ang kursong BSE (Bachelor of Science in Education) sa mga kalalakihan. Parang bawat magulang noon sa probinsiya ay very proud na magkaroon ng anak na teacher. Minsan ay na­ikuwento na ito sa akin ni Nanay, na kahit sa kanilang probinsiya, haling na haling ang mga magulang na BSE ang ipakuha sa mga anak. Anyway, balik tayo sa problema ng aking mister noong nasa grade one. Nahihiya siya na sabihing magsasaka lang ang kanyang ama. Kaya pagtayo niya sa harapan at nasa bahagi ng pagsasabi ng propesyon ng kanyang ama, taas noo niyang sinabi na: My father is a teacher. Nairaos niya ang isang sweet white lie. Sweet dahil gusto lang naman niyang itaas ang ranggo ng kanyang ama. White lie dahil ang pagsisinungaling naman niya ay hindi nanira ng reputasyon bagkus nagtaas pa ng ranggo.

Aliw na aliw ako sa anecdote na ito ng aking asawa. Tawa ako nang tawa noong una niya itong ikinuwento. Okey lang daw na ‘plain housewife’ ang pakilala niya sa kanyang ina dahil halos lahat ng ina ng kanyang mga kaklase ay ganoon din, sa bahay lang naka-poste. Bigla ko tuloy naiugnay ang kuwentong ito sa isang estudyante na tinatamad nang pumasok sa school simula nang maiugnay ang kanyang ama sa kontrobersiyal na PDAF. Nagtatago ngayon ang ama. Hindi pala ang katayuan sa lipunan ang mahalaga sa tao kundi ang kanyang reputasyon.

Noong namatay ang aking mga biyenan, pinaghatian ng magkakapatid ang properties na naiwan ng kanilang mga ma­gulang. Malawak din ang palayan at niyugan na pinaghatian. Sa kabila ng maraming magkakapatid, pito lahat, malawak pa rin ang lupain na napapunta sa bawat isa. Lahat ng kanilang minana ay bunga ng kasipagan ng kanilang ama. Ang farmer na walang kamalay-malay, na  isang panahon, ay ginawang teacher ng kanyang anak. Sa puntong ito, okey nang maging anak ng farmer kaysa naman sa anak ng robber.

ALIW

AMA

BACHELOR OF SCIENCE

BIBO

BIGLA

IISA

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with