^

Punto Mo

Paranormal Story ni Tiya

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NOON ko pa naririnig ang salitang doppelganger ngunit tinatamad akong mag-research kung ano ang eksaktong ibig sabihin nito. Minsan nangyayari sa  akin ang ganoong katamaran, tutal, hindi naman kabawasan sa aking pagkatao kung hindi ko malalaman ang depinisyon ng salitang nabanggit. Pero nang mapanood ko ang pelikulang The Healing, doon na ako nag-research. Narindi kasi ang aking tenga habang pinapanood ang pelikula. Bawat tauhan ay hindi maaaring banggitin ang salitang doppelganger dahil iyon ang pinaka-premise ng istorya. Ang doppelganger ay isang salitang lumitaw sa mga folklore o para­normal stories. Ang doppelganger ay hiram na salita mula sa  German na Doppel­gänger,  Doppel (double), at Gänger (walker or goer). Ang salita ay inimbento ni Jean Paul para sa kanyang nobela na Siebenkas noong 1796. Ginamit ito sa salitang English noong 1851. Doppelganger ang tawag sa ka-double mo. Ayon sa mystery book na nabasa ko: Kung ikaw mismo ang makakakita ng iyong ka-double, ito raw ay pangitain na malapit ka nang mamatay. Kung ibang tao naman ang nakakita, halimbawa ay nakita ka sa loob ng  bahay ng iyong nanay na natutulog, pero pagpunta niya sa tindahan ay naroon ka rin. Ang ibig sabihin daw nito ay magkakasakit ka.

Isang araw, habang nanonood ng TV ang  aking tiya ay naramdaman niyang dumating ang kanyang apong dalaga mula sa school. Pumasok ang apo, tumuloy sa kuwarto. Palibhasa ay nasa bahagi ng ‘suspense’ ang pinapanood niyang tele­serye, hindi niya napansin kung muli bang lumabas mula sa kuwarto ang kanyang apo. Sunod na dumating ang ina ng apo. Tinanong ang aking tiya:

“Inay, dumating na si Len?”

“Oo, kanina pa. Nasa kuwarto.”

Nagpunta sa kuwarto ang aking pinsan para tingnan ang kanyang anak. Maya-maya ay lumabas muli ito.

“Inay, wala si Len sa kan­yang kuwarto. Are you sure, dumating na siya ?”

“Oo. Di ba’t naka-blue siyang damit? Hindi ako ma­aaring magkamali. Naka-blue nang pumasok kanina.”

Sasagot pa sana ang pinsan ko pero biglang may nag-park ng kotse. Ang kanyang anak na pinag-uusapan nila ang dumating.

“Kararating mo lang?” tanong ng aking pinsan sa kanyang anak.

“Yes…and why?”

“A, akala ni Nanay ay dumating ka na kanina…”

Nang matiyak ng aking pinsan na nasa loob ng kuwarto ang kanyang anak, dali-dali itong tumawag sa akin. Itinanong nito kung alam ko ang ibig sabihin ng mga pangyayari. Hindi agad ako nakaimik. Ayokong magbigay kaagad ng opinyon na magbibigay-takot sa aking mga kamag-anak. Ang sagot ko: “Hayaan mo, i-research ko ang tungkol diyan.”

Kinabukasan, tumawag ang aking pinsan. Humahalakhak sa kabilang linya. Ganito pala ang nangyari. Parehong blue ang suot ng kanyang dalawang anak na dalaga na sina Len at Matty nang umalis ng bahay. Si Matty ang bumalik dahil nakalimutan ang papeles na kailangan sa office. Sa backdoor ito lumabas kaya hindi naramdaman ni Tiya ang kanyang paglabas. Walang doppelganger na nag-appear. Isa lang pala iyon sa mga bloopers ni Tiya na kapag nakatitig sa paborito niyang teleserye ay tila nagsasara ang lahat ng kanyang mga senses.

AKING

DOPPEL

INAY

JEAN PAUL

KANYANG

LEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with