^

Punto Mo

Bahay na gawa sa diyaryo, nakatayo pa rin matapos ang siyam na dekada

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 1922, napagpasyahan ni Elis F. Stenman na magtayo ng sarili niyang bahay-bakasyunan sa Massachusetts. Dahil isa siyang engineer na nagdidisenyo ng paper clips, marami siyang nakatambak na papel. Karamihan sa mga papel na ito ay mga diyaryo kaya naisip niya na gamitin ang mga ito bilang pangunahing materyales sa itatayo niyang bahay.

Bagama’t kahoy ang pinaka-frame ng bahay, gawa na sa diyaryo ang natitirang kabuuan nito. Pinagdikit-dikit ni Stenman ang mga diyaryo gamit ang pandikit na siya mismo ang nagtimpla na gawa sa pinaghalong tubig, arina, at pinagbalatan ng mansanas. Pinagpatong-patong niya ang mga sipi ng diyaryo gamit ang pandikit hanggang uma­bot sa isang pulgada ang kapal ng mga ito. Pagkatapos pagpatung-patungin ay nilagyan niya ito ng barnis bilang proteksyon laban sa halumigmig at pagkabasa. Binarnisan din ang mga pinagpatong-patong na diyaryo para mas lalong tumibay ang mga ito.

Noong una ay plano niya lamang na gamitin ang mga diyaryo bilang insulation ng bahay ngunit nang lumaon ay ginamit na rin niya mga ito bilang pader na mismo ng itinatayong bahay. Hanggang ngayon ay buo pa rin ang mga pader, at mababasa pa rin ng mga dumadalaw sa bahay ang mga balita na nakasulat sa mga diyaryo na ginamit ni Stenman.

Ginamit din ni Stenman ang mga pinagdikit-dikit na diyaryo bilang materyales ng mga muwebles ng bahay na kanyang itinayo. Gumawa siya ng mga mesa, upuan, kurtina, at isang piano mula sa mga pinagtagpi-tagping diyaryo.

Sa kasalukuyan ay pinamamahalaan na ang bahay ng mga apo ni Stenman at  isa na itong museo na bukas para sa lahat ng gustong makita ang kahanga-hangang tibay ng bahay na gawa sa diyaryo.

BAGAMA

BAHAY

BINARNISAN

DAHIL

DIYARYO

ELIS F

GINAMIT

STENMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with