^

Punto Mo

Sa mata ng bata

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG great Danish sculptor na si Bertel Thorwaldsen ay nanghihingi ng opinyon sa mga bata upang masukat niya kung tama at maganda ang kanyang mga inukit na obra. Minsan ay kinomisyon siyang gumawa ng estatwa ni Jesus. Nang matapos ay tinawag niya ang isang bata at tinanong kung sino sa palagay niya ang estatwa.

“Isang bayani,” sagot ng bata.

Nagsimula ulit ng panibago ang iskultor dahil hindi nahulaan ng bata kung sino ang estatwa. Ibig sabihin, malayo kay Jesus ang hitsura ng kanyang inukit. Natapos ang estatwa at tinawag muli ng iskultor ang bata at muling tinanong kung sino sa palagay niya ang estatwa.

Ngumiti ang bata sabay sabing: “Siya si Jesus!”

Sabi nga ng marami, magaling kumilatis ang mga bata at hindi sila marunong magsinungaling. Para bang pinagkalooban sila ng special radar upang maramdaman kung anong uri ng tao ang kaharap niya. Kaya next time na may makilala kang bata sa unang pagkakataon, tingnan mo kung ano ang kanyang magiging reaksiyon sa iyo — ngingiti kaya o hihikbi?

 

“An act of trust and love is often deciphered by children.”

— Markus Zusak, The Book Thief

 

BATA

BERTEL THORWALDSEN

BOOK THIEF

IBIG

ISANG

KAYA

KUNG

MARKUS ZUSAK

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with