^

Punto Mo

Karanasan sa HK

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

KAMAKAILAN, nagtungo kami ng aking pamilya sa Hong Kong para sa kaarawan ni Gummy. Pangako ko kasi sa kanya ipapasyal siya at ipakikita ang mundo sa tuwing siya ay magdaraos ng kaarawan. Dahil sa pagkapanalo ni Gummy sa Bet on Your Baby kaya kami nakapagbalak at nagkapondo para mag-Disney Land.

Sa Kowloon Side kami nag-stay, ang mas maunlad na bahagi ng HK. Panay signature ang mga tinda roon --- Hermes, Louis Vuitton, Burberry etc. Napuna namin na ang pagpasok ng mga tao sa specialty boutique stores sa hilera ng Canton Road ay by batch. Nakapila talaga sila at lima-lima hanggang sampu lamang ang mga pinapapasok. Napakadisiplinado ng mga tao.

Napansin ko rin na disiplinado ang mga mamamayan at nirerespeto ang batas trapiko. Tumatawid lamang sila sa pedestrian lanes. At ang mga sasakyan ay tumitigil kapag pula at bumabagal kapag dilaw. Hindi tulad natin na tumutulin lalo kapag dilaw na ang ilaw. Wala rin akong nakitang ni pulis o traffic enforcer na nakabantay sa mga intersection at tawiran. Samantalang dito sa atin, may stop light na, may mga pulis at MMDA pa.

Dahil mahal ang magkaroon at mag-maintain ng sasakyan doon, karamihan ng mga tao ay sumasakay sa tren, bus at taxi. Hindi nagiging sanhi ng pagbagal ng daloy ng trapiko ang mga bus doon kahit malalaki. Hindi tulad dito na mga pasaway ang mga bus. Doon, sa maliliit na kalsada dumadaan ang bus at doon sila nagsasakay ng mga pasahero. Hindi tumitigil at nag-aabang sa main road.

Walang polusyon dahil walang mauusok na tambutso. Magaan ang pakiramdam at masarap maglakad dahil malamig at malinis ang paligid. Kung siguro dito sa atin ay malinis din ang hangin at disiplinado ang lahat ng drayber at commuters, marahil mababawasan ang trapiko at mas marami ang maeenganyong gumamit ng pampublikong transportasyon. Hindi na tayo masyadong aalma kapag tumataas ang presyo ng gasolina.

CANTON ROAD

DAHIL

DISNEY LAND

HONG KONG

LOUIS VUITTON

MAGAAN

NAKAPILA

SA KOWLOON SIDE

YOUR BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with