^

Punto Mo

Babaing inakalang patay, biglang nagising nang kukunin ang kanyang organs para i-donate

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Colleen Burns ay idi­neklarang brain dead sa isang hospital sa New York noong 2009 dahil sa pagka-overdose sa iniinom na gamot para sa depresyon. Nasa coma na siya nang isugod sa ospital.

Dahil wala nang nakitang pag-asa ang mga doktor sa kalagayan ni Colleen, napagpasyahan ng mga ito na ka­usapin ang kanyang pamilya at kinumbinsing alisin na ang pasyente mula sa life support. Tinanggap naman ng pamilya ni Colleen ang payo ng mga doktor at hiniling ng mga ito na kunin ang organs ni Colleen upang magsilbi siyang organ donor.

Alinsunod sa pasya ng mga kaanak ng pasyente, inihanda ng mga nurse si Colleen para sa operasyon. Tatanggalin na ang kanyang vital organs na puwedeng i-donate. Naihiga na si Colleen sa operating table at nakahanda na ang mga doktor na hiwain ang kanyang katawan upang makuha ang kanyang mga lamanloob su­balit nagulat ang lahat nang biglang imulat ni Colleen ang kanyang mga mata.

Hindi pa pala patay si Colleen­!

Nagkamali ang mga sumu­ring doktor sa kanya dahil ilang araw bago ang operasyon, mayroon ng mga senyales na hindi pa patay si Colleen. Naobserbahan daw ng isang nurse na gumagalaw ang mga daliri ni Colleen sa paa nang linisin niya ang talampakan nito. Napansin din nilang gumagalaw ang butas ng ilong nito tanda na humihinga ito subalit ipinagwalambahala lamang ng mga doktor ang obserbasyon ng mga nurse.

Dahil sa panganib at sa hindi maipaliwanag na kapabayaan sa pasyenteng si Colleen, pinagbayad ng mga kinauukulan ang hospital ng $20,000 (humigit kumulang na P1 milyon) bilang parusa. Hindi naman nagsampa ng reklamo sina Colleen at kanyang mga kamag-anak.

ALINSUNOD

COLLEEN

COLLEEN BURNS

DAHIL

KANYANG

NAGKAMALI

NAIHIGA

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with