^

Punto Mo

‘Marijuana: Underground industry’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI medisina ang marijuana, cannabis o “damo” tulad  ng pinagduduldulan ng ilan na may mga sari-sariling interes.

 Mayroon kasing mga lobbyist o mga nagsusulong na gustong gawing legal ang patagong industriya ng cannabis sa Pilipinas isa na dito si Congressman Rodolfo Albano III ng Isabela.

 Gusto nilang ituring na medikal ang marijuana sa larangan ng medisina.

 Nagsasalita sila na akala mo mayroon na silang ginawang pag-aaral dito at naging epektibo sa mga isinailalim sa medica­l trial.  Nitong nakaraang Sabado, ipinalabas ng BITAG ang “Damo” sa telebisyon.

 Paulit-ulit itong sinasabi at inaanunsyo ng BITAG para maipakita ang paghihirap ng Philippine Drug Enforcement Agency at Criminal Investigation and Detection Group ng Region 1 sa isinagawang marijuana eradication.

 Kung saan pitong bundok muna ang kanilang aakyatin, dalawang araw na lakaran at anim na ilog ang tatawirin para lang mapuntahan ang mga plantasyon na nasa boundary ng Benguet, Ilocos Sur at La Union.

 Alas tres pa lang ng madaling-araw gamit ang dump truck tumulak na ang mga awtoridad para sa gulpi de gulat na operasyon. Hindi sila maaaring gumamit ng mga helicopter dahil “masusunog” at mabubulilyaso ang kanilang lakad.

 Ang masaklap dito, sa haba ng kanilang nilakad, ang kanilang almusal, biscuit lang. Ang tanghalian, sardinas at bahaw na kanin.

 Ito ang dapat tutukan ng pamahalaan. Buhusan ng pondo ang mga awtoridad partikular ang mga ahensya laban sa ilegal na droga.

 Sa ngayon, humigit-kumulang sa P700 milyon lang ang budget ng PDEA.

 Sakaling hindi ninyo napanood ang “Damo” sa telebisyon, panoorin ang buong episode, log on bitagtheoriginal.com.

 

BENGUET

CONGRESSMAN RODOLFO ALBANO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAMO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ILOCOS SUR

LA UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with