Quick Beauty Tips
Hindi kaagad matatanggal ang lipstick sa lips kung papahiran muna ito ng foundation bago aplayan ng lipstick.
Painitin muna sandali ng hair dryer ang eyelash curler bago gamitin upang maging matibay ang “curl†ng eyelashes.
Dampian ng Visine ang acne upang mawala ang pamumula.
Upang mabawasan ang sobrang pamumula ng mukha pagkatapos ng exercise: Bago mag-exercise ay ilagay sa freezer ang tuyong towel para kung gagamitin ay malamig na ito. Ang ice cold towel ang ipatong sa batok ng 2 minutes at unti-unting babalik sa normal ang kulay ng mukha.
Kung naubusan ng mascara, puwedeng ihalili ang Vaseline petroleum jelly.
Ang pea-sized amount na baby oil ay ikalat sa palad at ito ang ipahid nang dahan-dahan sa buhok upang maging shiny ito.
Bago tasahan (to sharpen) ang eye pencil or eyeliner, ilagay muna ito sa freezer ng 10 to 15 minutes upang hindi madurog ang eyeliner habang tinatasahan.
Bago matulog, dampian ng toothpaste ang acne upang mabawasan ang pamamaga at pamumula.
Upang kuminis ang legs, pahiran ito ng dinurog na avocado at hayaan ng 15 minutes. Magsisilbing natural moisturizer ang oil mula sa avocado.
Pahiran ng kaunting colorless lip gloss ang “apples†ng iyong cheeks upang lumikha ito ng ilusyon na naggo-glow ang iyong mga pisngi.
- Latest