^

Punto Mo

Batang kinidnap, inampon ng mga unggoy sa Colombia

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Marina Chapman ng Colombia ay apat na taong gulang noong 1950 nang kidnapin. Talamak noon sa Colombia ang kidnap for ransom. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, iniwan na lamang siya ng mga kumidnap sa kanya.

Nagising na lamang siya na nasa gubat. Himala na hindi siya nilapa ng mga mababangis na hayop tulad ng tigre, ahas, at mga ibon. Kayang-kaya siyang lapain sapagkat napaka-bata pa niya.

Sa kabutihang palad, kinupkop siya ng isang grupo ng mga unggoy. Ayon sa mga eksperto ang mga unggoy na umampon kay Marina ay mga carablanca monkeys dahil organisado ang mga ito sa paghahanap ng pagkain at pinoprotektahan ang bawat miyembro ng kanilang grupo. Hindi rin sila agresibo sa tao lalo na’t wala namang ipinakikitang panganib sa kanila.

Mula sa grupong ito ng mga unggoy natuto si Marina kung paano mag-survive sa gubat sa pamamagitan ng paggaya sa pamumuhay ng mga ito. Natutunan niya kung anong mga bunga ang maaring kainin. Natutunan din niyang kumain ng mga talbos at ugat ng mga halaman.

Dalawang taon ang lumipas bago natagpuan si Marina. Nakita siya ng mga manga-ngaso at dinala sa kalapit na bayan. Dahil pinalaki ng mga unggoy, nahirapang mag-adjust si Marina sa lipunan. Na-ging palaboy siya at nadawit sa ilang gang sa kalye pero naisaayos din niya ang buhay nang ampunin ng isa sa mga residente roon.

Nakapag-migrate siya sa United Kingdom at nakapag-asawa. Isa na siya ngayong housewife. Pinaplano niyang isa-libro ang kuwento ng kanyang buhay sa piling ng mga unggoy.

vuukle comment

AYON

DAHIL

DALAWANG

HIMALA

ISA

MARINA CHAPMAN

NATUTUNAN

SIYA

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with