Seryoso si Valmoria sa ‘no take policy’ ni Roxas
NAG-IIKOT sa mga illegal gambling, beerhouse, nightclubs at mga putahan sa southern Metro Manila si Jackie Ramos para humingi ng lingguhang intelihensiya. Para sa kaalaman ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria, hindi naman pulis si Ramos kundi isang sibilyan. Ayon sa mga kosa ko, tinatakot ni Ramos ang mga ayaw sumunod sa kagustuhan n’ya na ipapadiyaryo sila. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, si Ramos ay beerhouse at nightclubs ang lakad subalit nitong nagdaang mga araw, pati illegal gambling eh nilinya na n’ya. Ang huling balita pa, itong si Ramos ang nasa likod ng patuloy na operation ng Miss Universal sa Libertad St., na malapit sa Pasay City Hall. Kung ilang beses nang na-raid ang Miss Univesal at marami ring beses nagpalit ng pangalan subalit palaging nakakapagbukas dahil binibigyan ng permit ng opisina ni Pasay Mayor Tony Calixto. Pero ganun pa rin ang negosyo --- bold show at prostitution. Malakas ang ugong sa ngayon na ang Miss Universal ay inagaw ng Hapon na si alyas Susuki sa dating may-ari nito na si alyas Akira at malaki ang papel na gagampanan dito ni Ramos. Hehehe! Papasyalan mo nga sa mga tauhan mo ang Miss Universal Gen. Valmoria para matigil na ang bold shows doon. Mismo!
Nitong nagdaang mga araw ay medyo tumamlay na ang “no take†policy ni Valmoria sa halos lahat ng ilegal sa Metro Manila. Wala na akong naulinigan na kaliwa’t kanang raid matapos gibain ni Valmoria ang 107 pirasong video karera na nakumpiska ng mga tauhan niya. Subalit mukhang palabas lang ang paggiba ng video karera dahil tuloy din naman ang VK operations nina Gina Gutierrez sa Maynila, Rey Recto sa Quezon City at Valenzuela City, Buboy Go sa Malabon, James Intsik at alyas Vic sa Paranaque City, at Jake Irinco alyas Jake Duling sa Muntinlupa City. At higit sa lahat Gen. Valmoria Sir, hindi naman makapag-ooperate ng matiwasay ang mga VK operators na ito kung wala silang lingguhang intelihensiya, hindi lang sa NCRPO, kundi maging sa CIDG at iba pang operating unit ng PNP, NBI, GAB at iba pa, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Naniniwala ako na seryoso si Valmoria sa “no take†policy ni DILG Sec. Mar Roxas noong mga unang araw niya sa NCRPO dahil sa pag-relieve kina Maj. Jay Agcaoili, Capt. Arnold Acosta, Capt. Bernard Pagaduan, Capt. George Fernandez at Capt. Ballesteros dahil sa tsismis na nagpapaikot sila sa mga ilegal. Ang natira lang na opisyal ay si Capt. Aurelio Domingo na hepe ng ANCAR ng NCRPO na lumilinya rin sa illegal gambling, nightclub, beerhouse at putahan. Bakit kaya naiwan si Domingo e sa pagkaalam ng mga kosa ko kinasuhan siya ni MPD Director Chief Supt. Rolly Asuncion, ng kidnapping noon? Kung sabagay, putok ang balita na si Sr. Supt. Benjamin Acorda, ay papalitan na ni Sr. Supt. Elmer Cabreros bilang intelligence chief ng NCRPO at si Supt. Christian de la Cruz naman ang sa RPIOU. Tingnan natin kung sina Cabreros at de la Cruz ang tamang opisyales para manumbalik ang sigla ng “no take†policy ni Valmoria sa illegal gambling. Dapat ang unang gawin nina Cabreros at De la Cruz ay salakayin ang Miss Universal at hulihin si Ramos para mahinto na ang kahibangan n’ya. Abangan!
- Latest