^

Punto Mo

Kakaibang uri ng bulate na kumakain ng mga isda sa aquarium, natagpuan!

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGTATAKA ang mga empleyado ng isang tindahan ng isda sa United Kingdom kung bakit palaging may nawawalang isda sa kanilang 200-gallon aquarium. Wala naman silang maisip na dahilan. Hanggang matuklasan nila ang dahilan: Mayroon palang matagal nang nakatirang higanteng bulate sa loob nito at ito ang kumakain sa mga isda roon!

Natuklasan nila ang misteryo ng mga nawawalang isda nang minsang alisin nila ang tubig, palamuting bato at buhangin ng aquarium para isaayos ang tagas nito. Noon nila nadiskubre ang isang bulate na may habang isang metro na nagtatago sa isa sa mga malalaking bato na nasa aquarium. 

Napag-alaman na ang higanteng bulate ay isang uri ng Bobbit worm na likas na nakatira sa tubig.  Umano’y kapwa nito laman-tubig ka­tulad ng isda ang kadalasang kinakain nito. Bukod sa isda, kumakain din ito ng mga halaman na tumutubo sa ilalim ng dagat.

Ayon sa mga empleyado, marahil ay isang dekada nang nagtatago ang bulate sa aquarium. Posible raw na nakapasok ito sa aquarium dahil nakadikit sa isa sa mga malalaking bato na inilagay nila bilang palamuti sa aquarium. Pinaniniwalaan din na nakapagtago sa makapal na buhangin ng aquarium.

Ang kamangha-mangha pa sa bulate ay nang magkahiwa-hiwalay sa tatlong parte ang katawan ng bulate pagkatapos na mahuli. Ang isa sa mga parte ay tuluyan nang namatay ngunit ang unahang parte (bahaging ulo) at gitnang parte ay buhay na buhay pa.

 

AQUARIUM

AYON

BOBBIT

BUKOD

BULATE

HANGGANG

MAYROON

NAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with