^

Punto Mo

Life Secrets and Tips

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

1. Magbakasyon at least, once a year. Huwag kang manghinayang sa pera. Kikitain mo ulit iyon. Pero ang good memories na idudulot ng bakasyon, hindi mo na mauulit kahit kailan.

2. Kapag may sugat: 5 percent ng tao ay hindi maalaala kung saan nila nakuha iyon; 5 percent ay hindi napapansin na may sugat sila at 90 percent ay susundutin pa ang sugat para malaman kung gaano kalalim ito.

3. Sa edad na 16, mga 80 percent ay nakikilala na nila ang kanilang pakakasalan.

4. Ang average person ay nagsasabi ng kasinungalingan ng 4 times a day, 1,460 a year, or a total of 87,600 pagsapit ng edad 60. At ang karaniwang kasinungalingang sinasabi nila ay—Okey lang ako. (Kahit hindi.)

5. Kapag in love ka, mga 30 percent ng iyong panaginip ay natatandaaan mo.

6. Ang serial killers ay hindi mahusay sa pag-akyat sa mataas na puno.

7. Kapag nanaginip ka na napatae sa iyong salawal, 100 percent na totoo ‘yun.

8. Ang mga babaeng nananatiling single ay kadalasang high achievers at matatalino. Nahihirapan silang makakita ng la­laking kapantay ng kanilang status. Karamihan kasi sa mga lalaki, ang pinipili ay mas mababa ang status kaysa kanila.

9. Sa pagtatapos ng bawat job interview, laging itinatanong ng interviewer sa applicant kung may question sila. Itanong ninyo sa interviewer kung ano ang nagustuhan nila sa kompanya at doon niya napiling magtrabaho. Sure ‘yan, matatandaan ka niya.

10. Pagkasilang sa iyong anak, igawa mo sila ng e-mail address. Doon mo ipunin ang lahat ng kanyang picture. Mga nais mong sabihin sa kanya habang baby pa siya at hindi pa puwedeng kausapin. Kapag nag-aaral na siya, at marunong nang mag-internet, saka mo ibigay ang kanyang e-mail. (Itutuloy)

 

HUWAG

ITANONG

ITUTULOY

KAHIT

KAPAG

KARAMIHAN

KIKITAIN

MAGBAKASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with