Ina
“BAKIT mo iniwan ang iyong trabaho? Hindi ka ba nanghihinayang? Isang step na lang, manager ka na. Sayang talaga.†Punong-puno ng panghihinayang ang aking kausap matapos niyang malaman na ako ay nag-resign sa aking trabaho, isang araw ng 1993.
“Walang mag-aalaga sa aking mga anak†simple kong paÂliwanag. Ang mister ko ay naisipang mag-Saudi, ang nanay ko ay ipinetisyon ng aking kapatid na nasa ibang bansa at isang kapatid ko naman ay nagtatrabaho. Ang tatlong binanggit ko ang tanging mga tao na puwede kong paghabilinan ng aking mga anak na hindi ako mag-aalala. Sila lang ang makapagbibigay ng ‘alagang ina’ sa aking mga bagets na noon ay 3 at 5 taong gulang pa lamang.
“Hindi mo ba puwedeng ipagkatiwala sa mga katulong ang iyong mga anak?â€
“Ayokong ipagkatiwala sa ibang tao ang aking mga anak.â€
Ang kausap ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon. Kasalukuyang manager na siya ng kanilang kompanya. Ang anak niya ay nasa high school nang mga panahong iyon at pawang lumaki sa mga yaya.
“Sobra ka namang mag-alala. Tingnan mo ako, nakaraos din ang pagpapalaki namin sa mga bata sa tulong ng mga yaya.â€
Sa loob-loob ko lang: “Ay, ayoko nga ng ‘nakakaraos’ lang. Ang gusto kong statement na sasabihin ko sa aking sarili pagÂdating ng araw ay — ‘matagumpay akong nakaraos’ sa pagpapalaki ng aking anak.â€
Kasalukuyan. Hawak pa rin ng kausap ko ang tagumpay niya sa career. Mas tumaas pa ang kanyang posisyon sa kompanya. Pero ano naman ang nangyari sa kanyang mga anak. May sarili nang pamilya pero ang aking kakilala pa rin ang bumubuhay sa mga ito. ‘Pucho-pucho’ lang ang kurso at iskul na pinagtapusan ng kanyang mga anak. Mairaos lang ang pag-aaral para lang masabing may tinapos na kurso. Kasi nga, noong nag-aaral pa lang sila, hindi sila nasubaybayan ng kanilang ina. Hindi niya kayang iwanan ang bongga niyang career. Hayan tuloy, mga anak naman niya ang walang suwerte sa career. Walang makuhang matatag na trabaho. Kulang sa diskarte at hindi alam kung anong gusto nila sa buhay. Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang ang kakilala ko pa ang mag-aalaga sa kanyang mga anak hanggang kaapo-apuhan hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay.
“To be in your children’s memories tomorrow, you have to be in their lives today.†— Barbara Johnson
- Latest