‘Medical cannabis’
PINAGDE-DEBATEHAN ngayon ang pagsasa-legal ng cannabis o marijuana sa bansa.
Isinusulong ito ng isang mambabatas sa Kongreso at ng ilang mga pribadong indibidwal at grupo.
Ipinaggigitgitan nina Cong. Rodolfo Albano III kasama ang Philippine Moms for Marijuana at Medical Cannabis Research Center na mabisa umanong pain killer ang marijuana.
Bagay na kino-kontra ng Philippine Medical Association.
Ayon kay Dr. Leo Olarte, walang mabuting medicinal value ang tetra-hydro cannabinol na pangunahing kemikal na matatagpuan sa nasabing halaman.
Sakaling maipasa at maging batas ang legalisasyon ng marijuana sa bansa nangangamba rin ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pagkalat ng mga farm at backyard cultivation ng cannabis.
Hindi rin pabor sa isinusulong na legalisasyon ng “damo†si Senator Vicente Sotto III na dating chairman ng Dangerous Drug Board.
Maliit na porsyento lamang umano ng 90 milyong populasyon ng bansa ang nagsasabing makakatulong o nakakatulong ang marijuana.
Kamakailan lang, sa State of Colorado sa bansang Amerika, isina-legal na ang paggamit ng cannabis bilang “recreational drug†bagay na gustong gayahin sa Pilipinas.
Subalit, istriktong binabantayan pa rin ng mga awtoridad ang mga insidente ng pang-aabuso.
Wala pa ring malinaw na resulta sa pagsasabatas ng legalidad ng marijuana sa bansa.
Panoorin ang advance screening ng ‘Medical Cannabis’ mamayang alas-8:00 ng gabi sa bitagtheoriginal.com.
- Latest