^

Punto Mo

Bayan sa Scotland, inulan ng bulate

- Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING nangyaya­ring kakaiba at kagila-gilalas­ ngayon dahil sa climate change o ang pagkakaroon ng kakaibang panahon dulot ng global warming. Gaya nang nangyari sa isang bayan sa Scotland na umulan nang maraming bulate!

Noong umaga ng Abril 2011, naghahanda si David Crichton para mag-ensayo ng football sa kanyang eskuwelahan nang makarinig siya ng kakaibang tunog na sinundan ng pagtili ng mga estudyante sa paligid. Nalaman niya na ang kakaibang tunog ay nagmumula sa mga pumapatak na bulate mula sa kalangitan na nagdulot ng pagkatakot sa mga estudyanteng nasa football field ng oras na iyon.

Nagtakbuhan sina Crichton at mga estudyante para sumilong sa school building. Nang matapos ang “pag-ulan”, nalaman ni Crichton na lampas 100 bulate ang pumatak sa football filed. Napag-alaman din ni Crichton na pati sa tennis court at iba pang lugar sa school ay umulan din ng mga bulate.

Nangyari na rin ang isang katulad na insidente sa Louisiana­, US, kung saan umulan din ng bulate sa isang parking lot doon noong 2007.

Ayon sa mga eksperto, maaring galing ang mga bulate sa isang sapa o latian na hinigop ng ipuipo. Marahil ay nadala ng ipuipo ang mga bulate pataas pero kalaunan ay bumagsak din sa lupa na animo’y mga patak ng ulan.

 

ABRIL

AYON

BULATE

CRICHTON

DAVID CRICHTON

GAYA

MARAHIL

NAGTAKBUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with