^

Punto Mo

Go organic

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NA-INSPIRE akong maging organic dahil sa babaing nakilala ko.

All-organic ang kanyang mga kinakain at kapansin-pansin ang kanyang kagandahan. Kaya tinanong ko siya kung ano ang mga kinakain at ito ang kanyang sinabi:

Mansanas -- para malabanan ang dementia, pagbaba ng lebel ng cholesterol, pagbaba ng risk sa pagkakaroon ng lung cancer, naaagapan ang pagiging overweight, mainam sa buto, proteksyon mula sa asthma o hika at pamparegular ng blood sugar ng mga may diabetes.

Pipino -- maibsan ang pananakit ng kasu-kasuan at arthritis, pagbaba ng lebel ng cholesterol, nakakatulong sa pagpapapayat, mainam sa pagtunaw ng pagkain, nakakaiwas sa pananakit ng ulo, pampaganda ng buhok, gamot sa diabetes at pagkontrol ng presyon ng dugo.

Kamatis -- nilalabanan ang pamamaga, nakakatulong sa pagsunog o paglusaw ng taba, pagbaba ng risk sa sakit sa puso at baga at hika at UTI, at nakakalusaw ng bato o gallstones.

Saging – nano-normalize ang sugar level, bumubuti ang pagdumi, nakakagaan ng pakiramdam, nakakagamot ng hangover, magandang pataba sa lupa, gamot sa ulcer, mayaman sa iron, at nagbibigay ng enerhiya.

Mahusay sa atay ang bawang, lettuce, broccoli, puso ng saging at repolyo.

Kung gustong sumaya, kumain ng kamatis, asparagus, buko, walnuts, spinach, avocado at suha.

Kung gustong pabagalin ang pagtanda, kumain ng avocado, luya, lettuce, cauliflower, brown rice, taho o soya, bawang, mani at pakwan!

Kung gusto ng ultimate energy­ drink, uminom ng buko!

Binigyan niya rin ako ng ideya ng mga pagkaing panlaban sa mga sakit. Imbis na gamot daw ang inumin, kainin ang mga sumusunod: Kapag masakit ang ulo - berries at luya; Pampababa ng cholesterol --kamatis, mansanas at mani; Pagpapababa ng blood pressure -- kahel, dalanghita, suha, saging at madadahong gulay; Kapag kinakabagan o inaatake ng acidity --- suha, honey at sprouts tulad ng toge; Pampuksa ng impeksiyon --- sikat ng araw at  bawang; Black tea at madadahong gulay ---panlaban sa diabetes.

 

BINIGYAN

IMBIS

KAMATIS

KAPAG

KAYA

MAHUSAY

MANSANAS

PAGPAPABABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with