^

Punto Mo

Ama, pinagsusuntok ang buwaya para mailigtas ang anak

- Arnel Medina - Pang-masa

LAGING namamangka si  Joe Welch at kanyang anak na si Joey, 6-anyos sa mga ilog sa Florida. Hindi akalain ni Joe na isang panganib ang nakaamba sa kanila habang namamangka.

Isang hapon ng Abril 2013, namamangka sila sa ilog nang mahulog ang anak na si Joey sa sinasakyang bangka. Eksaktong may nakaabang na buwaya sa mismong kinahulugan ni Joey. Sinakmal ng buwaya ang kanang kamay ng bata.

Kaagad sumaklolo si Joe sa anak. Pinagsusuntok niya sa ulo ang buwaya na walong talampakan ang haba at may timbang na lampas 200 pounds habang sakmal ang kamay ni Joey. Sinabi ni Joe na naisipan nyang suntukin ang buwaya sa halip na hilahin si Joey palayo dahil nangangamba siyang mapunit ang laman ng kanyang anak.

Habang sinusuntok ni Joe ang buwaya, may isang lalaking nakakita sa pangyayari. Lumusong din ito sa tubig upang makipagbuno sa buwayang nakasakmal kay Joey. Pinagtatadyakan naman ng good Samaritan na (hindi na nakuha ang pangalan) ang tiyan ng buwaya.

Nakawala sa pagkakasakmal ng buwaya si Joey matapos makatanggap ng hindi mabilang ng mga suntok at sipa. Masuwerte si Joey at hindi todo ang pagkakasakmal ng buwaya sa kanyang kamay. Nagtamo siya ng galos maliit na sugat.

Nahuli at napatay ng mga kinau­ukulan ang buwaya pagkatapos ng insidente.

vuukle comment

ABRIL

BUWAYA

EKSAKTONG

HABANG

ISANG

JOE WELCH

JOEY

KAAGAD

LUMUSONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with