‘Tinakluban ng kurtina’
KAPAG ika’y kinailangang mamili sa pagitan ng demonyo at ng mga pating sa dagat may mga taong mas pipiliin ang huli.
“Siyam na buwan na siyang nabuburo sa loob ng barracks na ‘di makalabas…ni ‘di masinagan ng init ng araw…†pagsasalarawan ni Tere.
Nagsadya sa aming tanggapan si Maria Theresa “Tere†Landicho, 36 anyos. Problema ni Tere, ang kapatid niyang Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Dammam, Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Hindi daw ito mabigyan-bigyan ng ‘exit visa’. Ang ‘Pinoy Worker’ ay si Enrico Glorioso o “Ricoâ€, 35 anyos. Tatlong magkakapatid sina Tere. Sa Paranaque City na sila lumaki. May sari-sarili na rin silang pamilya. Ang panganay na si Tere nasa Laguna habang magkasama naman sa bahay sina Rico at bunsong si Mary Grace at kanilang mga magulang. Dating ‘security guard’ sa isang eskwelahan sa Sucat si Rico. Taong 2003 nagdesisyon siyang magpunta sa bansang Dammam, KSA bilang ‘curtain installer’ sa StarHome Décor. Nung una, hawak si Rico ng ahensyang Femex Recruitment Agency Inc., Malate Manila. Dalawang taon ang naging kontrata ni Rico dito.
Buwan ng Nobyembre taong 2010 ng magbakasyon sa Pilipinas si Rico. Umalis siya sa ahensya at naging direct hire sa StarHome Décor, parehong amo… si Abdulasis Alyusef. Dalawang taon ang panibago niyang kontrata. Hunyo 2013, tapos na sana ang trabaho ni Rico. Inaasahan na ng pamilya Glorioso ang kanyang pagbabalik. Nagulat sina Tere at Mary Grace ng i-‘chat’ sila ng kapatid sa Facebook (FB).
“Ayaw akong pauwiin ng employer ko… Hindi pa ako makakabalik,†sabi daw ni Rico. Kwento daw ni Rico kina Tere, pina-labor’ niya at lima pang Pinoy Workers ang kanilang amo. Lagi daw kasing ‘delay’ ang kanilang sahod. Nakauwi ang limang katrabahong Pinoy sa Pinas subalit dahil hindi pa tapos ang kontrata nitong si Rico, naipit siya. Hindi siya agad pinayagang makaalis.
“Ang problema sobra-sobra na sa kontrata ang inilagi ng kapatid ko sa pagtatrabaho. Wala na daw siyang Iqama pero ayaw pa din siyang paalisin,†pahayag ni Tere. Dahil sa mga pangyayaring ito, nagdesisyon si Rico na umalis na lang bigla sa StarHome Décor. Sa barracks ng mga OFW siya tumuloy. Dito taga luto, taga laba… parang ‘boy’ ang naging trabaho niya. Sa maliit na perang binibigay ng mga kababayan, nag-ipon si Rico pambili ng kanyang ‘plane ticket’ pabalik ng bansa. Nakahanda na si Rico subalit hindi pa rin daw siya binibigyan ng ‘exit visa’ ng kanyang employer para makabalik ng Pilipinas. Desperado na si Rico kaya’t dumiresto na siya sa ating embahada sa Dammam at nagreklamo. Ilang beses pinatawag ng embahada ang kanyang employer subalit hindi ito sumisipot.
“Sabi sa kanya sa embassy, mag-antay antay na lang… Gusto na naming mapauwi ang kapatid ko. Sana matulungan niyo kami,†sabi ni Tere.
Sinubukan nila Tere na lumapit sa dating ahensya ni Rico ang Femex subalit diresto daw sinabi sa kanila na dahil hindi na nila miyembro si Rico, wala ng pananagutan ang ahensya. Gustong malaman ng pamilya Glorioso ang hakbang na maari nilang gawin para mapauwi si Rico kaya’t nagsadya sila sa aming tanggapan.
Itinampok namin sila Tere sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ. Lunes-Biyernes 3-4:00PM, Sabado 11:12:00NN.
PARA agad matulungan si Rico, kinapanayam namin sa radyo si Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA). Pinarating namin kay Usec. Seguis ang problema ng Pinoy. Sinabi ni Usec. na maaring gumaganti itong kanyang amo matapos niyang ireklamo sa labor kaya’t hindi siya nito binibigyan ng exit visa. Pinayuhan ni Usec. sina Tere na sabihin sa kapatid na pumunta sa POLO sa may ‘Bahay Kalinga’ kung saan naruruon ang ating mga kababayan na may parehong kaso ni Rico. Dahil sa pananatili niya sa barracks ano mang oras maari siyang mahuli ng motawa dahil paso na ang kanyang iqama (working visa).
“I-email niyo sa’kin lahat ng impormasyon para matulungan natin. Dahil kung hindi mao-over staying siya at baka ma-blacklist,†ani Usec. Seguis.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinaliwanag namin kay Tere at Mary Grace na maliban sa iniipit ng amo ni Rico ang kanyang exit visa (kung totoo nga ito) alamin din nila sa kapatid kung siya ba kinasuhan nitong employer dahil ang madalas na nangyayari kapag ang isang OFW ay tumakas na lang sa kanyang employer, kasong ‘qualified theft’ ang katapat nito. Ang kailangang gawin ni Rico ngayon magpunta sa POLO at dun tumuloy hanggat ‘di pa naayos ang kanyang mga dokumentong paso na. Kung hindi niya gagawin ito at mananatiling nasa loob ng kanyang lungga (barracks), kahit anong tago, kapag nahuli si Rico tapos na ang lahat ng paghihirap niya dahil mababalewala ang kinaso niya sa amo dahil nga wala na siyang iqama, over staying na siya. Ang mangyayari madi-‘deport’ siya sa bansa at maaring pagbawalan ng makapuntang muli sa Gitnang-Silangan.
Sa huling pananalita, maganda rin kunin ng DFA ang mga bilang (statistics) ng mga OFW’s na kinasuhan ng mga amo ng qualified theft dahil ‘di makayanan ang kanilang pagmamalupit kaya’t napipilitang tumakas na lang. Isang pagrerepaso ng mga ‘working agreements’ at mga ‘implementing rules and regulations’ para maging patas ang batas sa Gitnang-Silangan ay dapat atupagin na.
Ano mang balitang aming maÂtanggap kaugnay ng kasong ito, agad naming ibabalita sa inyo. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes. Magdala lang ng mga ‘photocopy’ ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo.
- Latest