SI Rick Rescorla ay security guard sa South Tower ng World Trade Center. Nang mangyari ang terrorist attacks noong SepÂtember 11, 2001 nagawa niyang makapagligtas ng 2,700 na katao mula sa nasusunog at gumuguhong mga building.
Nagawang makapagligtas ni Rescorla nang maraming buhay dahil matagal na niyang napaghandaan ang mga pag-atake. Humigit-kumulang limang taon bago ang 9/11, kinukulit na ni Rescorla ang mga kinauukulan sa New York tungkol sa posibleng pag-atake sa World Trade Center. Subalit walang pumansin sa kanyang mga panawagan.
Gamit ang kanyang karanasan bilang sundalo at beterano ng Vietnam War, gumawa si Rescorla ng isang detalyadong evaÂcuation plan sakaling sumalakay ang mga terorista. Ito ay sa kabila ng pagbabawal sa kanya ng mga namamahala na tigilan na ang kanyang pagkahumaling sa paniniwalang sasalakayin ang World Trade Center.
Hanggang sa mangyari ang trahedya. Sumalpok ang isang eroplano sa South Tower ng World Trade Center noong SepÂtember 11, 2001. Kahit pinagbawalan siyang ipatupad ang kanyang evaÂcuation plan, ginamit pa rin niya ito at nagawa niyang makapag-evacuate ng humigit kumulang na 2,700 na katao palabas ng South Tower sa loob lamang ng 17 minuto.
Sa kasamaang palad, isa si Rescorla sa mga hindi nakaligtas sa pag-atake ng mga terorista. Bumalik muli siya sa loob ng nasusunog na building para sa mga ilang naiwan. Nakatawag pa umano siya sa asawa para magpaalam bago tuluyang gumuho ang South Tower.
Sa pagkilala sa kanyang kabayanihan, isang rebulto ni Escorla ang itinayo sa Fort Benning, Georgia. Naging tampok din ang buhay niya sa ilang libro at palabas.