Mas malawak na bokabularyo
LAST week, nagsimula akong mag-training ng voice moÂdulation at hosting sa ilalim ni Director Freddie Santos. Aniya, bilang host ay dapat daw malawak ang aking bokabularyo, lalo na pagdating sa mga adjectives o salitang naglalarawan. At dahil pakiramdam ko ay para akong nagbalik-eskwela, nais kong ibahagi sa inyo ang mga salitang maaari n’yo ring gamitin lalo na kung gusto ninyong magpa-impress sa mga crush o magpabibo sa teachers n’yo.
abberant - different o kaiba sa marami
abhorrent - disgusting o kadiri, kasulasulasok
aboriginal - sinauna o makaluma
adamant - matigas ang ulo
ambiguous - malabo, hindi maintindihan
apathetic - walang pake
barbarous - brutal, hindi sibilisado, walang modo
befitting - appropriate o angkop
beneficial - kapaki-pakinabang
boorish - bastos o walang-asal
brash - mayabang o malakas ang dating
cagey - masikreto, malihim
callous - walang-puso
colosal - malaki, engrande
crabby - mainitin ang ulo, magagalitin
cumbersome - kumplikado, mabusisi, matrabaho
decisive - sigurado, desidido, buo ang loob
elated - excited
eminent - kilala
erratic – iregular, magulo
exuberant - buhay na buhay, punong-puno ng energy o sigla
fallacious - mali, hindi totoo
frantic - aligaga
futile - walang silbi
grotesque - sobrang pangit, kasuklam-suklam
grubby - marumi
gullible - madaling maloko
hapless - malas
imminent - papalapit (na panganib)Â
infamous - kilala o noÂtoryus, siga
invincible - hindi matinag
irate - galit
jittery - ninenerbyos, kinaÂkabahan
Ayan, unang sampung letra muna ha? Pero basahin ninyo iyan, magagamit n’yo ‘yan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Magandang marami at paiba-iba rin ang mga ginagamit nating salita. Puwedeng- puwede iyan pangsanaysay.
- Latest
- Trending