^

Punto Mo

Uok (74)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HABANG nasa ambulansiya kami, pinagmamasdan ko si Daddy. Kakaawa ang itsura. Tumandang bigla. Siguro’y problemado habang nasa Saudi dahil sa ginagawa ng maruming babae. Hindi kasi naniwala agad sa akin. Mas pinaniwalaan pa ang pambobola nang maruming babae.

“Natuklasan ko pa, naubos lahat ang pera ni Daddy. May utang pang iniwan sa Saudi. Akalain mo, ang laki ng suweldo niya tapos inubos lang ng maruming babae sa lalaki niya. Ginawang sugar mommy si Baby ng tinedeyer na katalik.’’

“Yun bang tinedyer na katalik ay yun din yung katalik nang una mong mahuli noon. Yung sinasabi mo na nahuli mo sa kuwarto. May kukunin ka sa kuwarto at nang pumasok ka, huling-huli mo.’’

“Ibang lalaki yung nahuli ni Daddy. Tinedyer din. Pero mas matin­di nga dahil naubos ang perang pinaghirapan ni Daddy. Imagine, nagpapadala si Daddy ng $1,000 buwan-buwan pero walang naipon ang babae. Naubos lahat.”

“Mga P40,000 yun ano?”

“Oo. Samantalang ako, ang ipinadadala lang niya ay sapat-sapat. Kinukulang pa nga ng pambili ng libro. Talagang napakasama ng babaing yun. Hanggang ngayon, alam mo, kapag naaalala ko ang mga ginawa ng babaing yun, nanggigigil pa rin ako.’’

“Makaraang maospital ang daddy mo, ano nang nangyari?”

“Aba e di sa bahay na namin siya umuwi. Dito sa bahay na ito? Wala naman siyang pupuntahan kundi dito. Akong martir na anak ang nag-alaga sa kanya.’’

“Hindi na talaga siya nakapag-Saudi pa?”

“Hindi na.’’

“Paano ang pera niya roon --- yung separation pay niya.”

“Ipinakiusap niya sa isang kasamahan na kunin. Nakuha naman at yun ang ginagas­tos namin. Tapos may pension siya sa SSS. Kaya nga pagnakatapos ako, kaila-ngang makakuha agad ako ng trabaho para mabigyan ko nang magandang buhay si Daddy…”

“Ang bait mong anak, Gab.’’

“Salamat. Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko bilang anak.Walang ibang tutulong sa kanya kundi ako.’’

“Nalimutan mong ikuwento kung kailan niya binili ang kuwintas mo?”

“Ah oo. Nalimutan ko. Malaking kuwento rin ang kuwintas. Gustong makuha iyon sa akin nang maruming babae. Sa kanya raw iyon at hindi sa akin…’’

“Napaka-dupang naman niya.”’

“Pero hindi niya nakuha sa akin. Lumaban ako.’’

“Paano?”

“May lalaking pumasok dito sa bahay. Gabi.”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKALAIN

AKO

AKONG

DADDY

DITO

NALIMUTAN

NIYA

PAANO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with