^

Punto Mo

Bulag, champion sa Olympic Archery

- Arnel Medina - Pang-masa

KAGILA-GILALAS ang ipinamalas ni Im Dong Hyun, 26, isang atleta mula sa South Korea na lumahok sa archery sa 2012 London Olympics. Nakakuha siya ng gold medal at nakapagtala ng bagong world record. Siya ay isang bulag!

Si Im Dong ay maituturing na legally blind dahil sobrang labo (20/200) ng kanyang kanang mata. Halos bulag na ang kanyang kanang mata. Ngunit ang kapansanan ay hindi nakapigil sa kanya upang makakuha ng gintong medalya sa 2004 Athens at 2008 Beijing Olympics. Sa 2012 London Olympics nakakuha siya ng score na 699 mula sa posibleng 720 – pinakamataas na score na nakamit ng isang manlalaro sa kasaysayan ng archery.

Nagagawang magta­gumpay ni Im Dong Hyun sa archery sa pamamagitan ng pagkakaroon ng muscle memory o ang pagiging sanay ng kanyang mga kalamnan na matandaan ang tamang pagsipat at paghawak sa pana. Dahil sanay na ang kanyang mga bisig kung paano itutok ang pana, hindi na nya kailangang makita nang malinaw ang target. Nakatulong din ang matinding ensayo ng South Korea sa kanilang mga manlalarong lalahok sa Olympics.

BEIJING OLYMPICS

DAHIL

IM DONG HYUN

LONDON OLYMPICS

NAGAGAWANG

NAKAKUHA

NAKATULONG

SI IM DONG

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with