^

Punto Mo

Suicide sa kalawakan?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

 NABASA ko kamakailan ang komentaryo ng mga lider ng isang relihiyon na nagdedeklarang labag sa kanilang pananampalataya ang pagtungo sa Mars.  

Pinatutungkulan nila ang proyekto ng Mars One foundation na nakabase sa The Netherlands at nang­angalap at nagsasanay ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang panig ng mundo (meron na ngang mga Pilipino rito) na handang magsanay at sumama sa mapanganib na paglalakbay papunta sa Mars at magtayo ng unang kolonya ng tao roon.

Ayon sa naturang mga lider-relihiyoso, taliwas sa kanilang pana­nampalataya ang pagtungo sa Mars dahil isa umanong uri ito ng pagpapakamatay lalo na at sinasabing hindi na makakabalik sa daigdig ang sinumang pupunta roon (Wala pa kasing paraan para makabalik dito ang mga magtutungo sa Mars). Ang katwiran pa nila, wala pang matibay na pruweba na maaaring mabuhay at paano mabubuhay ang tao sa Mars at hindi pa rin malinaw kung ano ang susuungin ng sino mang sasama sa napakahabang biyahe papunta roon.

Ito ang unang negatibong komentaryo na nabalitaan ko laban sa proyekto sa pagtatayo ng kolonya ng tao sa Mars bagaman may katotohanan  naman na mapanganib ang naturang misyon na maging ang mga dalubhasa sa siyensiya ay umaamin na walang katiyakan na makakarating nang buhay sa naturang planeta ang mga pupunta roon. Sabagay, palaisipan pa rin sa mga astronomer at iba pang mga scientist at dalubhasa kung paano masosolusyunan halimbawa ang mga nakakamatay na radiation sa kalawakan na madadaanan sa pagpunta sa ibang planeta.

Kataka-taka lang na sa halip mga professional na astronaut ang ipadala sa Mars, mga ordinaryong sibilyan ang hinahayaang makipagsapalaran muna sa naturang planeta.  Meron namang balak ang mga opisyal na space agency ng mauunlad na bansa na tulad ng National Aeronautics and Space Administration ng Amerika na magpadala ng totoong astronaut doon pero matatagalan pa bago ito mangyari. Parang lumalabas na pag-eeksperimentuhan na lang muna ang mga ordinaryong sibilyan na nagboluntaryong sumama sa Mars. Ang kanilang buhay ang itataya sa eksperimento.  Walang bansa at pamahalaan na maaaring managot kung may mangyaring masama sa kanila dahil isa itong pribadong inisyatiba. Hindi makaaangal ang kanilang maiiwang mga mahal sa buhay. At kung magre-reklamo sila, saan at kanino? Wala pa nga akong nababalitaang reaksyon maging ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa paglahok ng ilang Pilipino sa Mars mission.

AMERIKA

AYON

MARS

MARS ONE

NATIONAL AERONAUTICS AND SPACE ADMINISTRATION

PILIPINO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with