^

Punto Mo

99 Club

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY napansin ang hari sa kanyang barbero. Tuwing gugupitan siya nito ay laging sumisipol. Hindi maikakaila ang pagiging masayahin ng barbero dahil hindi nabubura sa mga labi nito ang magandang ngiti kahit isang batalyong sundalo ang magpagupit sa kanya.

Naintriga ang hari. Bakit kaya masaya lagi ang barbero samantalang barbero lang naman ito. Bakit siya ay hari na at mayaman pero hindi pa rin masaya sa buhay. Tinanong ng hari ang barbero kung bakit lagi itong masaya. “Kuntento na kasi ako sa aking buhay. Basta’t may nasisilungan kaming bahay at kumakain araw-araw, maligaya na kami ng aking pamilya”. 

Nabanggit ng hari sa kanyang tagapayo ang mga bagay na ito. Ayon sa tagapayo, maaaring hindi pa miyembro ng 99 Club ang barbero kaya siguro masaya pa siya sa kanyang buhay.

Isang araw ay palihim na nag-iwan ng isang supot na ginto ang tagapayo sa pintuan ng barbero. Pagkapulot ng barbero sa supot ay binilang niya ang ginto. May laman palang 99 na piraso ng ginto ang supot. Bakit 99 lang? Nawala siguro ang isang piraso. Hinanap nang hinanap ng barbero sa buong paligid ng bahay ang ika-100 piraso ng ginto ngunit nabigo siya. Naisip niyang pagbutihin na lang ang paghahanapbuhay para kapag marami na siyang pera ay bibili siya ng isang pirasong ginto para mabuo ang kanyang 100 pirasong ginto.

Pagkatapos magtrabaho sa palasyo ay naglilibot sa buong bayan ang barbero upang maghanap ng kliyenteng magpapagupit. Palibhasa’y pagod sa kagugupit, dumarating siya sa bahay na mainit ang ulo. Ang objective niya araw-araw ay makarami ng magugupitan upang makabili ng isang pirasong  ginto na bubuo sa ika-100 ginto. Hindi na siya makasipol habang nanggugupit ng kostumer dahil ang nasa isip ay kumita nang kumita.

Nagtaka ang hari sa pagbabago ng ugali ng kanyang barbero. Tinanong niya ang kanyang tagapayo kung bakit nagkaganoon ang barbero. “Kasi po ay member na siya ng 99 Club”, paliwanag ng tagapayo.

Ang 99 Club ay tawag sa mga taong hindi nakukuntento sa mga bagay na mayroon sila. Lagi silang naghahangad ng “isa pa”. Isa na lang at kuntento na ako. Hanggang sa dumating ang panahon na hindi na siya makuntento kahit kailan.

AYON

BAKIT

BARBERO

GINTO

HANGGANG

HARI

SIYA

TINANONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with