^

Punto Mo

Babaing turista, hinabol ng mga gutom na rabbit sa Japan!

- Arnel Medina - Pang-masa

GUSTO n’yo bang magtungo sa isla ng Okunoshima, Japan na tinatawag na “Rabbit Island”? Kung gusto n’yo nararapat kayong mag-ingat at baka habulin kayo ng mga gutom na rabbit­ doon.

Isang babaing turista ang nakaranas habulin ng daang rabbit­ na pinaniniwalaang gutom. Nakunan ng video ang babae habang hinahabol ng rabbit. May dalang supot ang babae na may lamang pagkain at iyon ang gustong makuha ng mga rabbit. Nakapasok sa isang bahay ang babae kaya hindi naabutan ng mga gutom na rabbit.

Naging popular na tourist destination ang Okunoshima. Ang island ay dating pinaglalagyan ng poison gas na ginagamit noong World War II. Ngayon ay tahanan na ito ng mga rabbit na hindi mapigilan ang pagdami.

Babala lang ng mga awtoridad, mag-ingat ang mga turista at baka mapag-tripan ng mga gutom na rabbit.

Gayunman, hindi naman mapanganib ang mga hayop na ito.

 

BABALA

GAYUNMAN

ISANG

NAKAPASOK

OKUNOSHIMA

RABBIT

RABBIT ISLAND

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with