^

Punto Mo

5 ‘Nakakainis’ na Kuwento

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…tungkol sa 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.

NAGING ‘aware’ tayo tungkol sa nabanggit na Olympics dahil sa Filipino figure skater na si Michael Martinez. Pero wala siyang kinalaman sa kuwento. Nabanggit ko lang upang bumalik sa inyong alaala ang lugar na Sochi, Russia.

1. Bago pala ganapin ang Winter Olympics ay may kumalat na balitang delikado raw ang mga gay visitors at athletes pagdating nila sa Sochi, Russia dahil sa kanilang umiiral na anti-gay law. Lalo pang pinaniwalaan ang balita nang magsalita ang Mayor ng Sochi City na ‘Magically-gay free ang Sochi City’. Totoong parang magic na nawala ang lahat ng bakla. Buong pagmamalaki pang sinabi ng mayor na : “They are not accepted here” and “we do not have them.” 

Samantala, nangako si Russian President Vladimir Putin na tatratuhin nila nang maayos ang mga gay visitors and athlete dahil wala siyang galit sa mga bakla. Pero sa isang kondisyon daw, huwag nilang gagalawin ang mga batang Russian. Ang feeling tuloy ng foreign media, nampaplastik lang si Putin. Hindi raw siya anti-gay pero iniisip niya na lahat ng bakla ay pedophiles.

2. Noong 2012, mga 2,000 homeowners ang basta na lang pinalayas sa kanilang house and lot upang pagtayuan ng building na titirahan ng mga delegates ng iba’t ibang bansa. Pinalayas as in walang perang ibinayad sa kanila. Then, bahala na kayo sa buhay ninyo.

3. Mga 70 percent lang ng ticket ang naibenta kumpara sa 90 percent ng Vancouver Winter Olympics dahil sa terrorist threat.

4. Nagsagawa ang city government ng walang habas na pagpatay sa lahat ng nakakalat na hayop sa mga kalye. Wala silang pakialam sa animal rights, basta’t pagdating ng Olympics, malinis na dapat ang mga kalye.

5. Kung anong lupit nila sa mga hayop, ganoon din sa mga tao. Ang mga constructions workers ay binabayaran lang ng kalahati sa ipinangakong bayad. Ang mga nagreklamo ay nakaranas ng pambubugbog mula sa mga pulis, sexual assault at pinaamin sa mga krimen na hindi nila ginawa.

BUONG

MICHAEL MARTINEZ

PERO

RUSSIAN PRESIDENT VLADIMIR PUTIN

SOCHI

SOCHI CITY

VANCOUVER WINTER OLYMPICS

WINTER OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with