^

Punto Mo

Estudyante sa China binenta ang kidney para may maibili ng iPAD at iPHONE

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAY mga taong gagawin ang lahat para makuha ang kanilang mga gusto sa buhay. Katulad ng isang 17-anyos na lalaking estudyante mula sa Anhui, China na ibinenta ang kanyang kidney para lamang mabili ang pinapangarap na iPad at iPhone. Ibinenta ng estudyanteng si Wang ang kanyang kidney sa halagang $3,300.

Limang tao naman ang si­nampahan ng kaso dahil sila ang naging kontak ng estudyante kung paano maibibenta ang kan­yang kidney. Kabilang sa kinasuhan ang isang doktor na nagsagawa ng operasyon.

Ang masaklap, mas malaki pala ang natanggap na pera ng limang tao kaysa tinedyer. Niloko nila ang estudyante sapagkat ang kidney ay naibenta nila ng $33,000 at ang ibinigay lang nila sa estudyante ay $3,300. Ang mga sinampahan ng kaso ay nakatira sa southern China.

Sabi ng prosecutors sa Chenzhou City, Hunan province, pinaghati-hatian ng limang tao ang pinagbentahan sa kidney at kaunti lang ang binigay sa kawawang estudyante.

Matapos ang operasyon ni Wang, agad siyang bumili ng iPhone at iPad. Nagtaka naman ang kanyang ina kung saan kumuha ng pera si Wang. Inamin ni Wang sa ina, na binenta niya ang kanyang kidney.

 

ANHUI

CHENZHOU CITY

HUNAN

IBINENTA

INAMIN

KABILANG

KATULAD

KIDNEY

LIMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with