^

Punto Mo

Ang ‘pinaka’ sa Bohol!

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

LAST week, nagtungo kami ng “Team Ang Pinaka” sa Panglao, Bohol upang maging bahagi ng summer episodes na nagpapakita ng pinaka-masasarap na kainin at kainan, gayundin ng 10 Pinakamasayang pasyalan sa Tarsier Land.

Huli kong punta sa Bohol ay 12 taon na ang nakalilipas. Kasama ko ang buong pamilya at unang nakita ang tarsier at Chocolate Hills.

Ilang buwan matapos ang hagupit ng lindol at tuloy-tuloy na bagyo, muling nakabangon ang Bohol at ipinakitang sila ay mananatiling isa sa pinakamagandang puntahan ngayong summer.

Patikim lang sa mga matutunghayan ninyo sa Ang Pinaka sa mga susunod na Linggo, featuring Bohol of course: Diving sa Balicasag Island, Dolphin-watching sa Virgin Island, ang Loboc River Cruise at ang pagtitinikling namin ni Rovilson, ang Loboc Church ruins na nahati sa gitna ngunit nanatiling matibay at nakatayo pa. Ang mas malapitang pagtanaw sa Chocolate Hills, Tarsier Botanika, ang pinakamalaking hardin sa buong Isla ng Bohol, ang Gerarda’s number 1 restaurant sa buong Tagbilaran at Bohol na kilala para sa kanilang dinakdakan at kare-kare, ang 400-meter zipline at iba pang extreme outdoor activities sa tanyag na Danao Adventure Park.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga gawain at kainang matutunghayan ninyo sa dalawang episodes ng Ang Pinaka sa Bohol. Ngunit ang pagtungo ng GMA 7 sa nasabing probinsiya ay hindi lamang upang ipakita ang mga tanawin, kundi upang ipagmalaki, na sa kabila nang naranasang lindol noong Oktubre 2013 at mga bagyo, ay hindi natinag ang mga taga-Bohol. Bumangon sila. Buhay na buhay pa rin ang turismo ng isla. Only shows how strong, resilient and weather-proof Filipino people really are.

Hindi lamang pagkain at tanawin ang masusumpungan ninyo dahil may isang pamilya kaming nakilala na ang misyon sa buhay ay tulungan ang kanilang kapwa. Sa katunayan, ang may-ari ng aming hotel na tinuluyan -- Ang Bellevue Resorts Bohol, na si Mr. Johnny Chan ay pinatayuan ng Mission School ang mag-asawang sila Mr. Manny at Mrs. Evelyn Gomanez upang ipagpatuloy ang kanilang adbokasiyang bigyan ng edukasyon ang mga bata, tulungan ang mga magulang na makapagsimula ng kabuhayan sa pamamagitan ng paggawa ng ginantsilyong mga gamit at pagtatanim para makalikom ng puhunan, bawasan ang basura sa isla sa pamamagitan ng pagre-recycle, pagtatanim ng soil-less at organic na mga gulay tulad ng lettuce, at pagbibigay ng tirahan sa mga pamilyang nasalanta ng lindol. Matutunghayan ninyo ang kanilang kuwento at misyon sa buhay sa darating na Marso.

Hindi lang bakasyon, kain at sight-seeing ang napala ko sa Bohol. Marami akong natutunan tungkol sa ating lahi, gayundin mga kuwento ng buhay na kapupulutan ng aral at inspirasyon.

 

ANG BELLEVUE RESORTS BOHOL

ANG PINAKA

BALICASAG ISLAND

BOHOL

CHOCOLATE HILLS

DANAO ADVENTURE PARK

LOBOC CHURCH

LOBOC RIVER CRUISE

MISSION SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->