Bakit namatay kaagad si Tappie?
SI Tappie ay white poodle na alaga ng pamilya ng aking kakilala simula pa noong tuta pa ito. Kaya kung gagamitin ang dog age calculator, ayon sa isang website, ang age ni Tappie ngayong 2014 ay 77. Kung bibilangin sa human years, siya ay 16 years old lang. Paano naging 77 years old si Tappie: Subtract two from the age, multiply that by four and add twenty-one (16-2=14x4+21=77).
Matanda na pala si Tappie kaya madalas ay nakahiga at nawala na sa kanya ang pagiging malikot. Dumating ang araw na bahagya na nitong ginagalaw ang kanyang pagkain. Sa gabi ay tila humahaling-hing ito na parang may dinaramdam sa kanyang katawan. Dinala ito sa beterinaryo at binigyan ng gamot ngunit isang umaga, tahimik na pumanaw si Tappie. Napahagulgol sa Stephanie. Sabay silang lumaki ni Tappie. Magsingtanda sila kung human years ang pagbabasehan. Ito ang laging kalaro niya at tagapagtanggol noong bata pa siya. Minsan, noong 7 years old pa lang siya, kasama niyang lumabas ng bahay si Tappie para bumili ng kendi sa di kalayuang sari-sari store. May mga batang bully silang nadatnang nakatambay sa tindahan. Isang batang lalaki ang kumakain ng santol. Iniluwa nito ang buto at ibinato kay Stephanie. Nakita pala iyon ni Tappie, kumahol ito nang may kasamang ungol, sabay takbo palapit sa salbaheng bata. Napasigaw si Stephanie at natakot na mangagat ang alaga: “Tappie, huwag!â€. Saka hinarap nito ang nambato sa kanya, “Salbahe ka kasi! Pasalamat ka at hindi ka kinagat.â€
Lalong napahagulgol si Stephanie sa alaalang iyon. Habang ibiÂnabalot niya sa blanket ang walang buhay na katawan ni Tappie, titig na titig dito ang bunsong kapatid na 7 years old. Parang pilit nitong inuunawa ang nangyayari.
“Ate, bakit namatay kaagad si Tappie?â€
“Kasi mas mabilis silang tumanda kaysa mga tao. â€
“Tapos mabagal tayong tumanda. Bakit ?â€
“Ang tao ay kailangan munang turuan at hintayin ang maturity para matutong mabuhay nang maayos at magmahal nang tapat. Ang mga aso, hindi na kailangang turuan, puppy pa lang marunong na silang makisama at magmahal nang tapat. Hindi na nila kailangang mabuhay nang matagal.†saka muling pinakawalan ni Stephanie ang paghagulgol habang ibinababa niya sa hukay si Tappie. Nakiiyak na rin si Bunso. “Goodbye Tappie, I love you.â€
- Latest