‘Di mapakali’
DUMARATING ang swerte sa buhay ng tao kahit hindi mo hanapin subalit mas suswertihin ka kapag ang puhunan mo ay ang iyong sariling pagsisikap.
“Masaya na ko sa pagkakataon… sa premyong makapunta sa Australia, matagal kong inasam ito subalit mukhang hindi matutuloy dahil nakakadena ang pasaporte ko,†nakangising sabi ni “Cocoyâ€. Si Albertito Santos o “Cocoyâ€, 35 taong gulang ay kasalukuyang latero ng Honda Cars, Manila. Sa pagtitiyaga niya kung dati’y pa-ekstra ekstra lang sa Honda, naging regular siya dito. “Sinubukan ko ring mag-aboard pero ‘di na natuloy,†ani Cocoy. Tubong Basey, Samar si Cocoy. Binata pa siya, pabalik-balik na siya sa Mandaluyong City. Dito niya nakilala ang asawang si Ma. Lorena “Loleâ€.
Taong 2004 ikinasal sila. Agad silang nagkaroon ng anak. Nanirahan sila Cocoy sa Basey. Pangingisda, pagsasaka at pagbubukid ang kinabuhay nila. Nasundan agad ang kanilang panganay makalipas ang dalawang taon. Nagdesisyon si Loleng bumalik ng Maynila kasama ang tiya ni Cocoy, si ‘Yura’. “Panahon ng tanim kaya’t nagpaiwan ako. Sayang ang kita,†ani Cocoy. Plano sanang magtrabaho ni Lole sa Maynila subalit ‘di siya natuloy. Dinapuan ng sakit na kanser ang kanilang bunso. May 14, 2011 namatay ang bata. Hindi naÂging madali sa mag-asawa ang sinapit ng anak. Kung todo kayod si Cocoy noon para sa gamutan nito, mas nagsumikap siya para malibang ang sarili at unti-unting makabangon. Naging regular siya sa Honda. Buwan ng Nobyembre 2012, may naging kliyente silang ahente ng Principalia Management & Personnel Consultants Inc. –‘recruitment agency’.
“Inabot sa akin ang leaflet ng agency. Interesado ako kasi sa Saudi naghahanap daw sila ng latero. Pina-email ko agad sa asawa ko ang resume ko,†pagbabalik tanaw ni Cocoy.
Ilang araw makalipas personal siyang nagpunta sa Principalia. Nagkaroon ng interview. Sinabi sa kanyang kapag nakapasa siya agad siyang tatawagan ng agency subalit walang natanggap na tawag si Cocoy. Makalipas ang ilang araw isang nagpakilalang staff ng Principalia, si “Rej†ang tumawag sa kanyang sa ‘cell phone’. “Sa Australia Cocoy… gusto mo ba?†tanong daw agad ni Rej. Nag-alangan si Cocoy. “Naku, Australia, English dun?†Sinabihan siyang kakailanganin niyang kumuha ng International English Language Training System (IELTS) kahit latero pa rin ang kanyang trabaho. Bumalik si Cocoy sa agency. Agad daw pinakausap sa kanya ang magiging employer. Dalawang Australian National at isang Pinoy ang kanyang nakaharap.
“Relaks ka lang…. English toh,†sabi pa daw sa kanya.
Hindi man ganun kagaling sa Ingles nakapasa si Cocoy at sinabihan siyang kailangan na niyang mag-review lessons para sa IELTS Examination. Mula buwan ng Nobyembre nagsimula ang review. Dalawang oras kada araw 6:30-9:00PM, Lunes-Biyernes. Buwan ng Enero 2013, nagpaalam si Cocoy na isang linggong hindi makakapasok sa review. Pinagti-training siya ng Honda sa Sta. Rosa, Laguna para sa yearly Basic Training (BT3). Habang nasa training sinabi daw ni “MeAnn†isa ring staff na para maituloy niya ang IELTS kailangan daw niyang bayaran ang kahit kalahati ng halaga ng placement fee na nasa Php17,000. ‘Di nakapagbigay si Cocoy. Maliban sa pagbabayad nito, sinabihan din daw siyang magpa- ‘medical examination’ na. Napaisip si Cocoy, “‘Di pa tapos ang review, magpapa-medical na ako? Paano ‘pag bumagsak ako sa exam?†Dito na daw nawalan ng gana si Cocoy sa ahensya. Hindi na siya bumalik pa sa Principalia Management & Personnel Consultants Inc., Makati. Nagpatuloy siya sa paglalatero sa Honda. “Ang passport ko ‘di ko nabalikan…†anya Cocoy. Bago matapos ang taong 2013, nagkaroon ng National Competition sa buong Honda Cars para sa mga latero at pintor. Tinatawag nila itong “Body & Paintâ€. Sa loob ng isang oras, gagawain nila ang binigay na sirang sasakyan. Aayusin ng latero. Pipintahan ng pintor ‘on the spot’. Si Cocoy at kasamahang si Jayson Clores ang panlaban ng Otis, Branch. Panalo sila Cocoy. Dahil sila ang nakakuha ng ‘first place’, sila rin ang magiging representate ng Honda Cars, Philippines sa International Competition na gaganapin sa labas ng bansa… sa New Zealand o di kaya daw ay sa Australia sa taong 2015. Agad nagpunta sa Principalia si Cocoy, kinausap niya dun si MeAnn at sinabing kukunin na niya ang kanyang pasaporte at iuurong na aplikasyon nito.
“Sinabi ni MeAnn hindi niya maibibigay ang passport ko. Kailangan ko daw munang bayaran ang IELTS… 24 days daw ang pinasok ko dun kaya aabot ng Php16,752 ang utang ko sa Principalia. Ang laki naman,†ani Cocoy.
Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa’min. Itinampok namin si Cocoy sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ. Lunes-Biyernes 3-4:00PM, Sabado 11:12:00NN.
PARA SA ISANG PATAS na pamamahayag, kinapanayam namin sa radyo si MeAnn ng Principalia para makuha ang kanilang panig.
“Wala po akong minensyon na ‘di niya pwedeng makuha ang passport niya. Di po kami nagho-hold ng passport!†sabi ni MeAnn.
Kinumpyut na daw nila ang dapat bayaran ni Cocoy sa IELTS at alam naman daw niya iyon. Maari daw siyang pumunta sa Sabado para sa pasaporte. Sinabihan namin si MeAnn na ‘di nila maaring ipitin ang pasaporte ng kanilang aplikante dahil ito’y paglabag sa tinatawag na ‘Passport Law’.
Bago pa namin kapanayim si MeAnn, una naming nakausap sa radyo si Asec. Wilfredo Santos, Head ng DFA for Consular Affairs. Pinaalalang muli ni Asec. Santos na ang passport ay pagmamay-ari ng pamahalaan at hindi ito pwedeng i-hold ng kahit sino. “ ‘Pag may problema sila pumunta lang sila sa amin at kami na ang makikipag-usap sa agency,†sabi ni Asec. Santos.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ilan lang si Cocoy sa mga gustong magtrabaho sa labas ng bansang ‘pag dumating sa puntong gusto ng umatras, iniipit na ng ahensya ang kanilang pasaporte. Maaring may pagkukulang itong si Cocoy sa ‘di niya pagbayad sa IELTS (kung totoo nga ang sinasabi nilang alam ni Cocoy na may bayad ito), kung gusto niyo siyang panagutin sampahan niyo siya ng kasong ‘Collection of sum of money’ subalit hindi para ‘di ibalik ang kanyang passport. Ito ay malinaw na paglabag sa batas. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038.
- Latest